^

Pang Movies

Pakiki-selfie sa Santo Papa ni Cong. Fariñas kinaiinggitan kaya bina-bash?

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Sa totoo lang, wala akong makitang dahilan para i-bash si Congressman Rodolfo “Rudy” Fariñas dahil sa selfie nila ni Pope Francis.

Hindi naman kasalanan ni Papa Rudy na naging maagap siya kaya nagkaroon sila ni Pope Francis ng selfie. Hindi nga nagreklamo ang Santo Papa sa ginawa ni Papa Rudy ‘no!

If I know, inggit kay Papa Rudy ang mga bumabatikos at lumalait sa kanya. Imagine, sa rami ng mga tao sa Vatican City para sa canonization ni Saint John Paul II at Pope John XXIII si Papa Rudy lang ang naka-score ng selfie na kasama si Pope Francis.

Knowing Papa Rudy, hindi ito affected ng mga bashing dahil mas mahalaga na nagkaroon siya ng souvenir picture na kasama ang Santo Papa. Pinasisikat lang si Papa Rudy ng detractors niya. At least, international celebrity na siya dahil isyu sa buong mundo ang selfie nila ni Pope Francis.

AiAi walang dull moment sa pagho-host

Confirmed na isa si AiAi Delas Alas sa mga host ng kauna-unahang The PEP List Awards na magaganap sa Solaire Resort & Casino sa May 20.

Tinanggap na ni AiAi ang offer ng PEP na maging host ng The Pep List. Inimbitahan din na mag-host sina Congresswoman Lucy Torres at Dennis Trillo pero hinihintay pa ang sagot ng dalawa.

Si AiAi ang nag-host ng presscon para sa The Pep List noong March. Natuwa kay AiAi ang Pep staff dahil walang dull moment kaya napag­desisyunan na siya ang maging host ng The PEP List.

Glenda Garcia hindi na mukhang may cancer

Gandang-ganda ako kay Glenda Garcia nang makita ko siya kahapon. Ang kinis-kinis ng kanyang balat at maliit ang mukha niya.

Si Glenda ang character actress na may Stage 3 breast cancer pero ma­ganda ang pagtanggap niya sa kanyang karamdaman. Naging ins­pirasyon siya ng mga may sakit dahil sa katapa­ngan na ipinakikita niya.

Takaw-pansin si Glenda dahil hindi na siya nagsusuot ng wig. Makinis na makinis ang kanyang ulo kaya lalong lumitaw ang kagandahan niya.

Unang ipinakita ni Glenda sa Startalk ang pagiging kalbo niya. Inalis ni Glenda ang suot na wig sa kanyang live guesting noon sa Startalk.

Giant billboards ni Marian pinagpipyestahan na

Sobrang init uli ng panahon kahapon at kahit holiday, itinuloy ng GMA 7 ang farewell presscon para sa cast ng Carmela, ang drama series na pinagbibidahan ni Marian Rivera.

Si Marian nga pala ang bagong celebrity endorser ng Belo Medical Clinic. Lumabas na noong Miyerkules ang kanyang mga giant billboard.

Magkakaroon ang Belo Medical Clinic ng grand presscon para kay Ma­rian at sa procedure na ipo-promote nito. Alam ko na ang date at venue pero my lips are sealed. Wait n’yo na lang ang announcement ni Dra. Vicki Belo.

Matagal ko nang alam na endorser si Marian ng Belo Medical Clinic. Mismong si Mama Vicki ang nagsabi sa akin sa plano niya na kunin na endorser ang girlfriend ni Dingdong Dantes.

Naghintay lamang si Mama Vicki ng perfect opportunity at procedure ng kanyang clinic na puwedeng i-endorse ni Marian.

 

vuukle comment

BELO MEDICAL CLINIC

GLENDA

GLENDA GARCIA

MAMA VICKI

PAPA

PAPA RUDY

PEP LIST

POPE FRANCIS

SANTO PAPA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with