^

Pang Movies

Miriam nasa honeymoon mode pa rin!

Jun Lalin - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ilang weeks na rin matapos ang tinagurian niyang “dream wedding,” ayon kay kay former Miss Universe 1999 first runner-up Miriam Quiambao, may “hangover” pa rin siya sa big event na ‘yon ng kanyang buhay.

Itinuturing ni Miriam na sobrang blessed sila ng new husband niyang si Ardy Roberto dahil kahit malayo ang venue ng kanilang kasal, maraming close family and friends na nakapunta roon para samahan sila sa espesyal na araw na ‘yon.

Sa ngayon, kahit na kagagaling lang nila ng Phuket, Thailand kung saan sila nag-honeymoon, pa-relax-relax pa rin sina Miriam at Ardy at nasa beach sila at madalas na magpa-spa.

Next week, nakatakdang umalis na naman sila ng kanyang husband para ipagpatuloy ang kanilang honeymoon at ang unang destinasyon nila ay Madrid, Spain at saka sila dederetso sa Paris, France.

“Actually, marami kaming pupuntahan sa France, bukod sa Paris, pupunta rin kami sa Nice, Monaco, Marseille, Champagne, Versailles, Fontainebleau,” sabi niya.

Mga 15 days daw sila sa Europe, pero bago ‘yon, may talk daw muna sila sa Saddleback Church sa South Metro sa Nuvali sa Sunday.

“We have been asked to share our life story of God’s redemption, faithfulness, and second chances. Sana maraming ma-inspire,” sabi pa ni Miriam na pangalawang beses nang nagpakasal after na ma-divorced sa unang mister na si Claudio Rondinelli.

Nasa honeymoon mode pa rin si Miriam dahil may tinatawag siyang 100 Happy Days at ngayon ay pang-75 days na nila ni Ardy at 25 days pa ang ie-enjoy nila bago sila tuluyang bumalik sa normal na pagtatrabaho.

Sa ngayon nga, hindi muna tumatanggap ng showbiz commitments si Miriam, pero noong huli ko siyang nakausap, sinabing willing naman siyang bumalik uli sa pag-arte pagkatapos ng kanyang 100 Happy Days  na inilaan talaga sa bago niyang mister.

Magpo-post nga pala si Miriam ng honeymoon photos nila ni Ardy sa kanyang Instagram account (@miriamq888) at Twitter account (@miriamq).

Pamilya Gutierrez sa Baguio muna magbabakasyon

Hindi aalis ng bansa ang mag-asawang Eddie Gutierrez at Annabelle Rama ngayong Holy Week.

Sa Baguio City ang destinasyon nila kasama ang ilang mga anak.

May bahay sa Baguio City ang pamilya Gutierrez at madalas silang pumupunta roon lately.

Noong bata pa sina Ruffa, pati ang twins na sina Richard at Raymond, tuwing Holy Week ay sa Baguio City talaga palagi ang destinasyon nila.

Hindi nila makakasama ngayon si Ruffa at ang mga anak nito na sina Lorin at Venice dahil umalis noong Lunes nang madaling araw papunta sa ibang bansa ang mag-iina.

Malamang na makasama nga pala ng pamilya Gutierrez sa Baguio City ang girlfriend ni Richard na si Sarah Lahbati.

TJ hindi na iuurong ang pagpapa-opera

Pagkatapos na pagkatapos ng taping ng The Borrowed Wife ay ipapaopera na ni TJ Trinidad ang tuhod niya na may problema dahil sa sobrang pag-e-exercise.

Mga isang buwan daw ang rest period pagkatapos ng operasyon.

Puwede namang magtrabaho si TJ, pero light lang daw muna.

May bago siyang pelikula na malamang gawin, ‘yung The Need na based sa Patayin sa Sindak si Barbara na unang pinagbidahan ng movie queen na si Susan Roces at ang pangalawa naman ay pinagbidahan ni Lorna Tolentino.

 Samantala, patuloy sa pag-ariba ang ratings ng The Borrowed Wife na pinagbibidahan ni TJ sa GMA 7 kasama sina Camille Prats, Pauleen Luna, at Rafael Rosell.                                                          

 

vuukle comment

ANNABELLE RAMA

ARDY

BAGUIO CITY

BORROWED WIFE

HAPPY DAYS

HOLY WEEK

NILA

SILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with