^

Pang Movies

Derek hindi na taga-showbiz ang karelasyon

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa New York nang unang nag-meet sina Marian Rivera at Derek Ramsay, alam ng aktor na isa ang aktres sa pinakasikat na artista ng GMA kaya naman nang maka­trabaho siya ay fantastic ang feeling niya.

“She’s very down to earth. Working with her na sikat ay nakaka-stress considering the projects that she’s done. Ginawa niya ‘yung Darna and her biggest break was Ma­rimar at Dyesebel. So she’s not just a pretty face. She’s also a good actress.

“I’ll always take it as a challenge to work with her. Challenging not only in the sense of acting but magaan din,” rason ni Derek sa contract signing niya bilang bagong Regal Baby.

Hindi naman daw siya namimili ng makakapareha pero nang sina­bing si Marian ang makakatambal niya eh, nakadama siya ng sigla. Pati nga si Kris Aquino na na-link sa kanya noon handa niyang makapareha. Hindi nga lang natuloy ang indie movie nila noon tungkol sa Maguindanao massacre.

 â€œSchedule ang naging problema noon. In fact, natuwa ako nang pumayag siyang makasama ako sa San Miguel beer commercial noon. I was just doing commercials then pero ‘yung pumayag siyang makasama ako sa commercial, that was big for me!” sagot niya.

Pero good friend lang daw talaga sila ni Kris. Meron siyang dini-date ngayon pero mas gusto niyang pribado ang personal niyang buhay.

“Basta masaya ang puso ko ngayon! Ha! Ha! Ha!

Hindi celebrity ang babaeng nagpapatibok ng puso ngayon ni Derek.

 â€œNot really na ayaw kong pag-usapan. Sabi ko nga, ayoko ng pressure na ‘yon,” dagdag pa ng magaling na aktor.

So paano nila napag-usapan ni Kris ang pagli-link sa kanila?

“Ha! ha! Ha! It’s just funny! ‘Yun na nga. That’s exactly I wanna be more private with somebody I’m not in a relationship with. I’ve been seen out. I’ve posted a picture in Instagram.

 â€œIt’s part of what we are in the industry. It’s normal for some people to get curious. That’s why...’Yun nga, gusto kong maging private. Wala na ‘yung tanung-tanong.

“Kasi you cannot blame anyone into jumping into conclusions! Of getting curious. You cannot blame anyone for doing that,” paliwanag ni Derek.

  Handa rin daw si Derek na tumambal sa ex-girlfriend na si Solenn Heussaff na inihahanda rin ng mag-inang Lily at Roselle Monteverde.

 

vuukle comment

DEREK

DEREK RAMSAY

KRIS AQUINO

MARIAN RIVERA

REGAL BABY

ROSELLE MONTEVERDE

SA NEW YORK

SAN MIGUEL

SOLENN HEUSSAFF

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with