^

Pang Movies

Richard gumaan na ang pakiramdam, tapos na ang pinagdaanan kay Sarah

- Vinia Vivar - Pang-masa

Ayon kay Richard Gutierrez, nitong nagdaang taon ay nasubukan talaga nang husto ang relasyon nila ng girlfriend na si Sarah Lahbati.

“Kami ni Sarah, tried and tested na ang relationship namin after what we’ve been through. In a span of a year, medyo nasubukan nga ’yung relationship namin.

“She was away. She was in Geneva for a while. Medyo nag-long distance kami and you know I was working here. So, medyo we went through tough times.

“Pero lahat ’yun pinagdaanan namin at nandiyan kami para sa isa’t isa,” say ni Chard.

Bukod pa nga rito ay ang mga naging problema nila sa kaso ni Sarah against GMA Films President Annette Gozon-Abrogar na natapos na rin sa wakas.

So, ngayon, say ni Richard, masasabi niyang finally ay tapos na ang unos, magaan na lahat ang pakiramdam nila and going smooth na ang lahat.

“And ngayon we’re concentrating on our works. Si Sarah, may mga upcoming project both with GMA 7 and TV5. Ako naman, naka-concentrate ako ngayon sa It Takes Gutz to be a Gutierrez at sa mga movie na ginagawa ko,” say ng aktor.

Katatapos lang ni Richard ng pelikulang Overtime under GMA Films. May dalawa pa siyang natitirang pelikula sa ilalim ng naturang produksiyon pero sa GMA 7 ay tapos na ang kanyang kontrata last year pa.

Wala pa raw siyang plans kung saang TV station siya mapapanood or magkakakontrata basta sa ngayon ay dito muna siya naka-concentrate sa reality show nila ng pamilya na ipalalabas sa E! Channel.   

Jake feel mag-shine sa pagkokontrabida

Kontrabida ang role ni Jake Cuenca sa Ikaw Lamang with Coco Martin, Kim Chiu, and Julia Montes na magsisimula na ngayong Lunes, March 10, sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Malayung-malayo ito sa role niya sa last serye niyang Maria Mercedes na siya ang leading man.

Say ni Jake, siya raw talaga ang nag-request sa ABS-CBN management na gusto naman niya ang kontrabida role sa susunod niyang soap dahil nami-miss niya raw ang ganitong klase ng papel.

“Gusto ko talaga maging kontrabida ulit. Feeling ko dun ako nagsa-shine, ’yun ang forte ko. Nung tinanong sa akin kung ano ang gusto kong gawin after Maria Mercedes, gusto ko talagang maging kontrabida. So, tinanggap ko ‘tong show,” say ni Jake.

Wala raw kaso sa kanya kung support siya or kontrabida this time kahit na nga ba nagbibida na siya. At lalong walang issue na susuportahan niya si Coco na dati ay siya ang sinuportahan sa Tayong Dalawa.

“Wala namang problema ’yun. Unang-una, noong Tayong Dalawa, magkakapatid talaga kami ni Gerald (Anderson) at saka ni Coco. Ever since, we’ve always had that relationship.

“Nung ini-offer sa akin ito, excited akong gawin dahil unang-una, makakatrabaho ko si Coco. So, kahit ‘yung Juan dela Cruz naudlot, kaming dalawa dapat ’yun, nung inalok sa akin ito, hindi ako nagdalawang-isip. Excited ako.

“It doesn’t matter kung bida ako, kontrabida, extra, whatever. Ang sa akin, kapag may ini-offer sa akin na role at tumagos sa puso ko, gagawin ko ’yun, whether it’s an indie movie, mainstream movie, whether extra, bida or kontrabida, hindi importante sa akin ’yun,” diin pa ng aktor.

Sinigurado naman ng Dreamscape ng ABS-CBN na napakaimportante ng karakter ni Jake sa pagmamahalan nina Isabelle (Kim) and Samuel (Coco). Hindi raw mabubuo ang love story ng dalawa kung hindi dahil sa kanya at sobrang proud daw sila sa performance rito ng aktor.

 

     

vuukle comment

COCO MARTIN

FILMS PRESIDENT ANNETTE GOZON-ABROGAR

IKAW LAMANG

IT TAKES GUTZ

JAKE CUENCA

MARIA MERCEDES

TAYONG DALAWA

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with