^

Pang Movies

Carla nagsalita sa ‘galit’ kay Marian

Mary Rose G. Antazo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagulat ang Kapuso actress na may issue pala sa kanila ni Marian Rivera ngayon. Napabalita kasi kamakailan na tinanggihan diumano ni Carla ang project na pagsasamahan sana nila ni Dingdong Dantes dahil sa takot na pagselosan siya ng girlfriend ng binata. Agad dinepensahan ni Carla ang balitang ito.

“Hindi umaabot sa akin iyon. Wala pong umaabot sa akin na offer na kahit anong teleserye,” sagot ni Carla.

Totoo ba’ng hindi sila okey ngayon ni Marian at may tarayan na nagaganap sa pagitan nila?

“Ay, bakit? Meron lang nagpapaaway sa amin. Uy, okey kami ni Marian. And we’re friends.

 â€œShe greets me. I greet her. Okey kami,” sey pa ng napakagandang aktres.

Balitang nag-react daw kasi ang mga fans ni Marian sa isang post niya sa Twitter kaya akala ng ibang tao ay may ‘away’ sa pagitan nila.

“Nasa mga fans ‘yon. Nasa kanila na iyon kung ano ang gusto nilang interpretation or kung gusto nilang bigyan ng ibang meaning.

“Basta sa akin, wala akong ibang meaning do’n. Iyon lang ‘yon.

“Hindi ko na kailangang idepensa pa ang sarili ko. Kasi parang, ano ako, guilty?

“Kasi lahat naman ng sinasabi o ginagawa natin, bibigyan talaga ng ibang meaning ng tao, kahit wala ka naman talagang intention,” paliwanag pa nito. 

Willing daw siyang makasama si Dingdong sa isang project at wala raw dapat ipagselos sa kanya si Marian dahil happy and secured siya sa piling ng boyriend na si Geoff Eigenmann.

Samantala, tungkol naman sa relasyon nila ni Geoff, since matagal na rin silang magdyowa at uso ngayon sa showbiz ang wedding bells, marami ang nagtatanong kung may plano na ba silang magpakasal this year.

“Oo nga, e.

“Nakakatuwa naman, ‘di ba? Pero saka ko na lang sila susundan!” tawa na naman niya.

“Trabaho muna, puro ako movies ngayon.

vuukle comment

BALITANG

CARLA

DINGDONG DANTES

GEOFF

GEOFF EIGENMANN

IYON

KAPUSO

KASI

MARIAN RIVERA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with