^

Pang Movies

Sementeryong biro ni Tado nagkatotoo!

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Nag-post pa ng mga pictures si Arvin “Tado” Jimenez sa kanyang Instagram account nang mag-stop over ang sinasakyan niyang bus na Florida sa Bontoc, Mountain Province last Friday, bago ang aksidenteng nawalan ng preno at nasiraan ng clutch na naging sanhi raw nang tuluyang pagkahulog sa ibaba ng bangin ang bus.

Mahirap talagang magbiro dahil ang isa sa caption pa ni Tado sa kanyang instagram “North South… cementery.” Sinong mag-aakalang magkakatotoo ang kanyang sinabi niya na sign na pala ng kanyang pagkawala with matching picture na nakahiga siya.

Bumuhos naman ang pakikiramay sa social media sa pagpanaw ng aktibistang komedyante kaya panay ang patugtog sa radyo at pagpapakita ng music video sa Youtube ng kantang Magkabilang Mundo ni Jireh Lim kung saan kasama si Tado sa MTV nito sa isang masayang eksena bilang pag-alala ng mga fans sa komedyante.

Ngayong nasa kabilang mundo na si Tado kasama ang ilang musicians at artists na nakasama niya sa trahedya kung saan gumagawa sila ng series ng trave video na may title na 40 Mountains na isa rin sa mga advocacies ni Tado para sa kalikasan.

Samantala isa rin si Tado sa bumuo ng grupong Dakila – Philippine Collective for Modern Heroism – na nabuo noong 2005 kasama sina Noel Cabangon, Buwi Meneses, Lourd de Veyra at Ronnie Lazaro. Kilalang dedicated artist at aktibista si Tado na nagmarka rin dahil sa kanyang mga pakuwelang punch lines.

Naulila ni Tado ang kanyang asawang si Lei at ang kanyang mga anak na babae na sina Taja, Diyosa, Indi, at Tila.

Nakikiramay po ang PM (Pang Masa) sa pamilya ng komedyante.

Dahil sa isyung pinagdaanan Wally nangayayat!

Marami ang nag-abang at natuwa sa pagbabalik ni Wally Bayola sa Eat Bulaga. Sign na muling tinanggap ang TV host/comedian mula sa kanyang mahabang bakasyon pagkatapos ng kanyang sex video scandal.

Noon pa man ay marami nang umaapila na patawarin na ang komedyante dahil sa tao lang itong nagkamali.

Wish ng lahat na makabangon uli si Wally na nangayayat sa kinangsakutan niyang problema.

Tahimik lang si Bossing Vic Sotto habang humingi ng tawad at umiyak si Wally nung Sabado sa EB.

Buboy isasalang na sa indie film

Malungkot man si Buboy Villar dahil sa malapit nang matapos sa buwan ng Marso ang Adarna kung saan kasama siya sa seryeng pinagbibidahan ni Kylie Padilla, masaya pa rin ang binatilyo dahil marami raw siyang natutunan lalo na sa pag-arte ng natural. Nag-enjoy daw siyang kasama sila Kylie, Benjamin Alves, Mikael Daez, at marami pang iba.

Hindi pa man natatapos ang serye ng GMA 7 may blessings agad si Buboy dahil for the first time ay magbibida siya sa indie film. Magsisimula na rin siyang  mag-undergo ng acting workshop para sa first indie movie niya, kaya excited na ang bagets.

 

vuukle comment

BENJAMIN ALVES

BOSSING VIC SOTTO

BUBOY

BUBOY VILLAR

BUWI MENESES

DAHIL

EAT BULAGA

KANYANG

TADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with