^

Pang Movies

Wally at Vhong parehong naapektuhan ang buhay ng ibang babae

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Si Wally Bayola ang isa sa pinakamaligaya na tao kahapon dahil nakabalik na siya sa Eat Bulaga.

I’m sure, pinagsisihan ni Wally ang pakikipagrelasyon niya sa ibang babae at pagkalat ng kanilang sex video. Siguro naman, hindi na niya pakakawalan ang second chance na ibinigay sa kanya ng Eat Bulaga.

Isa lang naman ang request para makabalik si Wally sa Eat Bulaga, ang humingi siya ng paumanhin sa publiko. Mismong si Vic Sotto ang nagsabi na dapat na mag-sorry si Wally.

Ewan ko lang kung makakabalik na rin si Wally sa Celebrity Bluff ng GMA 7. Malalaman natin ang desisyon ng Celebrity Bluff people sa mga susunod na araw.

Malaki at marami ang nawala kay Wally mula nang masangkot siya sa video scandal. Nadismaya rin ang kanyang mga taga-hanga.

Nang  dalawin ko noon si Vhong Navarro sa ospital, sinabi ko rin sa kanya na hindi makatarungan na  maapektuhan ang kanilang career nang dahil lamang sa pechay. Si Wally ang ginamit ko na example na biglang lumaylay ang career at nawalan ng maraming racket nang dahil  sa isang babae na walang takot na ibinalandra sa camera ang pechay.

Hay naku, marami na ang mga lalake, na hindi lamang taga-showbiz, ang nasira ang buhay at pamilya dahil  sa pagpatol sa ibang babae, kahit may asawa at mga anak na sila. Kulang ang space ng column ko kung iisa-isahin ko ang pangalan ng mga aktor na ibinuwis ang career at pamilya dahil nangibang-pugad!

Direktor tiwalang may gustong matakot sa Valentine

Sa February 12 na ang playdate ng Basement, ang suspense/thriller movie ng GMA Films. Starring sa Basement sina Pilita Corrales, Sarah Lah­bati, Aljur Abrenica, Betong Sumaya, Enzo Pineda, at Louise delos Reyes.

Si Topel Lee ang direktor ng Basement, na-master na ni Topel ang paggawa ng horror movies kaya hindi siya nahirapan nang gawin niya ang Basement.

Confident si Topel na panonoorin ng moviegoers ang Basement, kesehodang hindi pang-Valentine’s Day ang pelikula. Naniniwala si Topel na may mga Pinoy na ayaw manood ng mga romantic movie tuwing Valentine’s Day kaya perfect na perfect ang showing ng Basement.

Natagalan ang pagpapalabas ng Basement sa mga sinehan dahil binusisi nang husto ni Topel ang special effects.

Louise mas in love na in love kay Enzo

May relasyon na sina Enzo Pineda at Louise delos Reyes nang umpisahan nila ang shooting ng Basement.

Sa kanilang dalawa, parang si Louise ang in love na in love sa kanyang boyfriend. Marami ang nakakapansin sa kakaibang tingin ni Louise kay Enzo kapag magkasama sila as in parang si Enzo lang ang tao sa paligid. Kung may powers lang si Louise na isali si Enzo sa cast ng Kambal Sirena, baka ginawa na niya.

Nagsimula na ang taping ng Kambal Sirena at parang hindi na ito mapipigilan na itapat sa Dyesebel ng ABS-CBN.

Kung dalawa ang love interest ni Anne Curtis sa Dyesebel, da­lawa rin ang leading men ni Louise, sina Aljur Abrenica at Mike Tan na pagpapaganda ng katawan ang inaatupag dahil sa kanilang sangkatutak na topless scenes  sa Kambal Sirena.

Hindi lamang sina Anne at Louise ang pagtatapatin dahil pinagkukumpara rin ang mga kapareha nila. Sam Milby at Gerald Anderson vs Aljur Abrenica at Mike Tan.

 

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

BASEMENT

CELEBRITY BLUFF

DAHIL

EAT BULAGA

ENZO

KAMBAL SIRENA

TOPEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with