^

Pang Movies

Parang nasa taping lang young couple panay ang halikan habang nagsa-shopping

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Sobra kung magpakita ng kanilang PDA or Public Display of Affection ang dalawang nababalitang magkarelasyon na young actor at young actress.

Kahit na maraming taong nakakakita sa kanilang lambingan, hawakan, at kilitian, wala silang pakialam dahil sa sobrang in-love sa isa’t isa.

Kelan lang ay nakita ang dalawang ito sa isang sosyal at mamahalin na boutique sa Makati City. Binibilhan ng mamahaling bag at sapatos ni young actor ang young actress.

Kinilig nang husto ang mga tao na nasa loob ng boutique dahil panay ang halikan ng dalawa. Kada may isukat na sapatos ang young actress ay naghahalikan sila. Kapag tumatayo naman ang young actor, hahatakin siyang pabalik ni young actress para halikan siya ni young actress.

Alam ni young actor ang mga hilig ni young actress kaya kahit mahal ay binibigay niya ito dahil alam niyang maa-appreciate ito nang husto ng kanyang lady love. Dahil sa lambingan nila, dalawang bag at dalawang pares ng sapatos ang nabili ni young actor na umabot ng libu-libo ang halaga.

At bago sila lumabas ng boutique ay pinagbigyan nila ang request ng mga tao roon na mag-kiss ulit sila. Pero nakiusap sila na walang kukuha ng video or picture mula sa cellphones nila.

Dahil sa kahumalingan nila sa isa’t isa, hindi yata napansin ng young couple na may CCTV camera sa naturang store kaya nakunan ang mga kissing moments nila na pinaulit-ulit panoorin ng mga empleyado ng naturang boutique.

British group na marunong magtagalog magkaka-sitcom na!

Very down-to-earth ang Filipino-British group na Juan Direction na kinabibilangan nila Daniel Marsh, Brian Wilson, Charlie Sutcliffe, Henry Edwards, and Michael McDonnell.

Malapit nang iere ang kanilang sitcom sa TV5 na may titulong One of the Boys. Ito raw ang unang pagkakataon nilang umarte at sobra raw silang nag-enjoy.

Una ngang nakilala ang grupo via YouTube dahil sa kanilang viral video na Juan Direction. Tungkol ito sa mga Fil-Brits na gustong matuto at alamin ang mga ginagawa ng mga Pinoy. Nagawa na nilang kumain ng balot, magtulak ng trolley sa riles, maging barker ng Jeep, magluto ng sinigang na baboy, at tumulong sa pagbigay ng relief goods sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda.

Ang maganda sa Fil-Brits group na ito ay bukod sa mga guwapo sila, marunong silang lahat magsalita ng Tagalog.

Halos mabaliw sa emotional trauma, Selena nagpa-rehab ng dalawang linggo

Inamin ng actress-singer at ex-girlfriend ni Justin Bieber na si Selena Gomez na nagpa-rehab ito noong nakaraang buwan sa Dawn at The Meadow in Arizona.

The 21-year old former Disney star ay pumasok voluntarily sa naturang rehab facility noong January 5 at dalawang linggo siyang nandoon.

Nagpa-rehab si Selena, hindi dahil sa substance abuse kundi dahil sa emotional trauma.

Ito ang rason kung bakit biglang itinigil ni Selena ang kanyang concert tour sa Australia. Kailangan na niyang pumasok sa rehab dahil sa mga mabibigat na emosyong nagpapahirap sa kanya.

“My fans are so important to me and I would never want to disappoint them.

“But it has become clear to me and those close to me that after many years of putting my work first, I need to spend some time on myself in order to be the best person I can be,” pahayag pa ni Selena sa kanyang Instagram post kamakailan.

vuukle comment

ACTRESS

BRIAN WILSON

CHARLIE SUTCLIFFE

DAHIL

DANIEL MARSH

JUAN DIRECTION

SELENA

YOUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with