^

Pang Movies

Aktor na maangas dumanas din ng kalupitan tulad ni Vhong

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

May ikinuwento sa akin si Vhong Navarro tungkol sa karanasan ng isang kapwa aktor na dumanas din ng kalupitan.

Siyempre hindi ko sasabihin ang name ng aktor dahil baka ayaw nito na malaman ang kanyang malungkot na experience.

Mag-wait and see na lang tayo. Hintayin natin na kusang-loob na magsalita ang aktor na maangas ang image kaya madalas na napagkakamalan na mayabang.

Tiyak naman na lalabas din ang detalye ng kanyang sad experience at nasa aktor ang desisyon kung magsasalita siya o mananahimik na lang para hindi na magulo pa ang buhay niya.

Anak nina Bibeth at Direk Carlitos simpleng manamit kahit taga-Forbes Park

Nagkita kami ni Bibeth Orteza sa opisina ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) noong Huwebes. Kung hindi ko pa nakakuwentuhan si Bibeth, hindi ko malalaman na kasali sa cast ng Rhodora X ang kanyang panganay na anak na si Rafa.

Nasa dugo ni Rafa ang pag-aartista dahil lola niya si Armida Siguion-Reyna at kilalang direktor ang kanyang ama. Tapos nang mag-aral si Rafa kaya libre na siya na i-pursue ang pangarap na maging artista.

Hindi sinasabi ni Rafa ang university na pinanggalingan dahil ayaw niya na mapagbintangan na nagyayabang siya. Down-to-earth ang anak nina Bibeth at Carlitos Siguion-Reyna. Simpleng-simple siya na manamit at hindi mo iisipin na nakatira sa Forbes Park sa Makati City ang kanyang pamilya.

Sikretong kasal nina Iya at Drew ikinalat nina Kuya Kim at Paolo

Tulad ni Kim Atienza, hindi yata alam ni Paolo Valenciano na inililihim ang Tagaytay City wedding kahapon nina Iya Villania at Drew Arellano.

Kung nag-tweet si Papa Kim tungkol sa heavy traffic habang papunta siya sa Tagaytay, mas bongga ang anak ni Gary Valenciano dahil ang litrato ng wedding march ni Iya ang inilagay niya sa Twitter.

Mabilis na kumalat sa social media ang wedding photo ni Iya na parang emosyonal habang nagmamartsa papunta sa altar. Naki-cooperate ang panahon dahil hindi umulan kahapon pero malamig na malamig ang simoy ng hangin na epekto yata ng Basyang, ang bagong bagyo na papalapit sa Pilipinas.

Mahihirapan na si Paolo na i-delete ang picture dahil kumalat agad ito. Ano kaya ang reaksiyon ni Drew na very secretive at tumanggi noon na magsalita kay Papa Ricky Lo tungkol sa pagpapakasal nila ni Iya? Inilihim man nila ang wedding, i-congratulate at sabihan natin ng best wishes ang bagong kasal!

Shalala nag-iimbita na sa launching film

May pelikula pala na Etchoserang Frog ang title at launching movie ito ni Tolites Reyes na mas kilala ngayon sa pangalan na Shalala.

Hindi na maabot si Shalala dahil bidang-bida na siya sa pelikula. Tapos na ang mga araw ng pa-extra-extra niya sa mga pelikula.

Aligaga si Shalala sa pagpo-promote ng Etchoserang Frog. Sa April pa ang playdate ng kanyang pelikula pero post na siya nang post sa social media ng movie trailer. Naniniwala siguro si Shalala sa matandang kasabihan na daig ng maagap ang masipag kaya super promote na siya sa kanyang launching film na Etchoserang Frog.

 

vuukle comment

ARMIDA SIGUION-REYNA

BIBETH

BIBETH ORTEZA

ETCHOSERANG FROG

FORBES PARK

IYA

RAFA

SHALALA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with