^

Pang Movies

Actress na GF ng government official, ang agang nagi-iilusyon

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Isang friend namin ang nakasabay daw bumili ng shoes ang isang actress na kasama ang boyfriend at kanyang personal assistant (PA). Binati sila ng mga salesgirl, pero hindi sumagot ang actress, sa halip, tinanong niya agad, sa mataas na boses, kung alin daw ang mga bago sa mga shoes at kung anu-ano ang mga kulay na available.

Hindi man daw lamang ngumiti ang actress, ang boyfriend naman niya, lumayo sa girlfriend at nagtingin-tingin din ng shoes. May mga nag-request daw sa actress kung puwedeng magpa-picture sa kanya, binalingan daw nito ang PA at tinanong kung ano raw ba ang ipinunta nila roon, ‘di raw ba para bumili ng shoes? 

Nainis ang friend namin sa nakita niya at sinabing maaga raw umasta ang actress na asawa na ng isang government official, samantalang hindi pa naman sila ikinakasal.

Daniel nag-i-stress sa mga sinabi ni Robin

Mamayang gabi na ang premiere night ng Sa Ngalan ng Ama, ng Ina, at mga Anak sa SM Megamall ng RP Productions at iri-release ng Star Cine­ma. May dapat patunayan si Daniel Padilla, na ikinai-stress ng young actor, dahil sa sinabi ng Tito Robin Padilla niya na siya na ngayon ang nagdadala ng pangalan ng mga Padilla. 

Ayon pa kay Robin, matagal na nilang natapos ang movie nila starring ang Padilla clan, siya, si Rommel at mga anak nitong sina Daniel, RJ, at Matt na gumaganap na mga anak niya sa story, ang nanay, of course ay ang love niyang si Mariel Rodriguez-Padilla. 

Kasama rin ang anak niyang si Kylie na isang undercover agent ng gob­yerno, kasama ang boyfriend na si Aljur Abrenica, at pinsan nilang si Bela. 

Sa tatlong anak ni Rommel, pinakaseryoso si Daniel, si RJ ay may pagka-comedian at si Matt ang action star sa kanila, pero lahat sila ay seryosong action stars sa movie at ipinagmamalaki ni Robin na hindi nahirapan ang stunt director nila na ipagawa ang mga stunts sa mga pamangkin niya. 

Ang natawa si Robin, sa tanong kung namana rin ba ng mga pamangkin ang pagiging playboy nila ni Rommel?  Si Rommel ang sumagot na likas lamang silang mapagmahal sa mga babae.  Si Rommel kasi ang maraming anak sa iba’t ibang babae. 

Ilang beses na naming napanood ang trailer ng movie noong Metro Manila Film Festival, masasabi naming isa itong action movie na dapat panoorin at may pagmamahal sa karapatan ng isang tao. 

Sa Wednesday, January 29 na ang opening ng movie in theaters nationwide.

Sharon at Nora susubukang magpatawa

Todo ang suporta ng TV5 kay Megastar Sharon Cuneta at sa tawa-serye nitong Madam Chairman, sa pamamagitan ng paggi-guest sa mga malala­king artista. Matapos mag-taping si Richard Gomez na alam naman nating na­ging boyfriend noon ni Sharon, ngayon naman ay si Superstar Nora Aunor ang magti-taping simula ngayong Tuesday. Kung dati ay sa pagkanta lamang nagkakasama ang dalawang mahuhusay na singer, ngayon naman ay magpapatawa sila.

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

DANIEL PADILLA

MADAM CHAIRMAN

MARIEL RODRIGUEZ-PADILLA

MEGASTAR SHARON CUNETA

ROMMEL

SI ROMMEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with