^

Pang Movies

Dating young actress, ‘ginamit’ ang Simbang Gabi sa kalandian

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Nagsimula na ang siyam na madaling-araw (na ang ibang simbahan ay ginawang alas-nuwebe o alas-diyes ng gabi) na misa de galloâ„¢ pero konti lang ang nakaalala sa dating young actress na walang palya sa pagpaalam sa kanila na magsisimba.

Ang tinukoy niyang ‘‘simbahan,’’ isang van na nakaparada sa bukana ng subdivision. Pagdating niya sa malaking sasakyan, naghihintay na ang partner ng dating teen idol. Ang likod na upuan ng van ang nagsisilbing kama sa kanila.

Ewan kung paano dinadasalan ng mapangahas na artista ang menchu pero isang oras din silang naglalampungan sa van. Kapag nakitang lumalabas na sa church, dali-daling mag-aayos ng nagusot na damit ang aktres para umuwi.

Kung nahuli ng ilang minuto sa pagdating ng bahay, ang dahilan niya ay kumain ng mainit na ‘‘puto bumbong!’’

Direk Aureaus nagpalit ng pangalan

Tunog menchu ang bagong pangalan ni Aureaus Solito na Kanakan Balinagos. Kung nakalimutan na ninyo, siya ang direktor ng well-acclaimed hit na Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros.

Kanakan na ang credit niya sa lahat ng pelikulang ginagawa.

Pinay OFW sa X Factor Israel excited na sa susunod na laban

Tuloy ang laban ng Pinay na si Rose ‘‘Osang’’ Fontanes dahil kabilang siya sa Top 12 ng X Factor Israel. Ang OFW (Overseas Filipino Worker) ay based sa Tel Aviv, kung saan siya sumali sa talent search.

Kinanta ni Osang ang Without You ni Mariah Carey sa nakaraang stage. Ngayon pa lang ay excited na siya, pati ang kanyang kababayang supporters, sa susunod na yugto ng timpalak.

PMPC carolers mag-aambag sa mga na-Yolanda

May konting karamdaman si Janela Salvador nang magpasyal kami sa bahay nila for the PMPC (Philippine Movie Press Club) caroling. She was not feeling well pero nag-entertain pa rin sa mga caroler ng club, with her mom, Jenine Desiderio.

Masipag ngayon ang PMPC carolers dahil nagsisikap silang makalikom ng malaking halaga para i-donate sa mga Yolanda victim.

Misis ni Ka Freddie haharap ng personal

Makikita rin namin ng harapan ang menor de edad na misis ni Ka Freddie Aguilar. Nakatakda kasi kaming mag-caroling sa kanilang bahay sa North Fairview, Monday evening.

Sigurado kasing kasama ang young wife sa pagharap sa PMPC members.

Young actor napagkakamalang tiya o nanay ang matandang GF!

Nakita ang isang young actor dining out with a mature lady. Akala nila ay mother ng artista ang kasama. Ito pala ang current steady date niya, na madalas mapagkamalang tiya o nanay!

Say naman ng aktor, mas enjoy siya sa mga may edad na babae. Higit na nakakaintindi sa kanyang mga pagkukulang. Pero ang say sa mga close sa aktor, never naman siyang magkukulang pagdating sa sex!

Willie may sikretong negosasyon na sa isang network

Ang loudest whisper this week, may secret negotiation na ang isang network with Willie Revillame. Malamang na early next year ang pagbabalik niya sa TV.

Pinaghahandaan na ang isang higit na malaking show na nakasentro pa rin sa mga mahihirap.

 

vuukle comment

ANG PAGDADALAGA

AUREAUS SOLITO

DIREK AUREAUS

JANELA SALVADOR

JENINE DESIDERIO

KA FREDDIE

X FACTOR ISRAEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with