^

Pang Movies

Angelika mahigpit ang ‘kontrata’ sa kapatid, bawal mag-boyfriend

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Wish ni Mika dela Cruz na hindi magbago ang kinuhang kontrabida ng Mira Bella ng Kapamilya na pinagbibidahan ni Julia Barretto dahil siya ang nakapasa sa screen test ni Deo Edrinal. Marami raw ang nag-audition pero ang kapatid ni Angelika dela Cruz ang napili para magkontrabida sa anak ni Marjorie Barretto.

Challenging kay Mika ang role na akala raw ng marami ay nene pa rin siya pero dalagita na ito na nagsimula rin sa Goin’ Buliit at huling napanood sa T2 horror movie ni Maricel Soriano.

Nagsisimula na raw siyang mag-practice sa harap ng salamin at panay ang panonood niya ng Gossip Girls dahil sosyal na kontrabida ang ipinagagawa sa kanya. Pati nga raw pitik ng kamay ay ginagaya na niya.

Tuwang-tuwa naman si Angelika sa kanyang bunsong kapatid. Bilin niya kay Mika na mag-enjoy lang sa kanyang trabaho pero galingan ang pag-arte. Dahil sa dalagita na ang magandang kapatid ni Angelika ay marami na ring nagka-crush dito. Malakas din kasi ang appeal. Pero, biro ni Angelika, may kontrata sila ng kapatid na hindi pa puwedeng mag-boyfriend hanggang sa maging lola na dahil kailangan muna nitong unahin ang pag-aaral at pag-aartista.

Samantala, nagsimula na si Angelika na maglinis sa kanilang lugar sa Malabon at nakakasanayan nang tawagin siyang Madam Chairman.

Time management daw ang kailangan niya para mapagsabay ang kanyang pagiging barangay captain at ang pagiging aktres.

Rodfil ng Moymoy Palaboy pinagsusulat na ng script

Nagbunga na rin ang pagtitiyaga ng magkapatid na sina Rodfil at James Ronald ng Moymoy Palaboy dahil pareho na rin silang may sariling bahay at kotse na hinuhulugan. Pareho na rin silang may kanya-kanyang pamilya.

Ulilang lubos na ang magkapatid pero naiwan pa rin sa Pasay City ang auntie nila na laging kasama sa background sa YouTube hits ng magkapatid dati. Sa auntie nila naiwan ang negosyong naumpisahan nila dati na water station.

Bukod sa Bubble Gang na regular nilang show sa GMA 7 ay abala naman si Ronald sa sariling business. Samantalang si Rodfil ay nakaka-dalawang taon nang nagsusulat sa Bubble Gang bilang isa sa mga writer ng Kapuso gag show. Thankful si Rodfil dahil pinagkatiwalaan siya ni Direk Cesar Cosme na siyang nag-alok din ng trabaho sa kanya sa show. Challenging kay Rodfil ang trabaho at willing naman siyang matuto pa nang husto na ini-enjoy daw niya ang pagkakataon. Gusto pa raw niyang mag-explore kung ano pa ang puwede niyang gawin para mahasa pa ang kanyang talent sa pagsusulat hindi lang sa pagkanta at acting.

vuukle comment

ANGELIKA

BUBBLE GANG

CRUZ

DEO EDRINAL

DIREK CESAR COSME

GOSSIP GIRLS

JAMES RONALD

MIKA

MOYMOY PALABOY

RODFIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with