^

Pang Movies

Mga alaga ni kuya germs nagamit sa album ni Bea

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Nag-usap ang Daddy ni Jake Vargas at ang Chinese father ni Ken Chan sa set ng Walang Tulugan with Master Showman last week. Nanghingi ng sorry si Daddy Miguel ni Jake sa ama ni Ken tungkol sa pagkanta ng singer-actor sa album launching ni Bea Binene at magdu-duet sana sila ni Ken.

Dumating pa ang mommy Veron ni Ken na nagsabi na naintindihan niyang walang kasalanan si Jake dahil ang PolyEast Records mismo ang nagsabi kay Jake na kumanta.

Halata ring in love talaga si Jake dahil sa masaya at maaliwalas ang aura nito. Katuwiran niya, pumunta lang siya sa album launch para sumuporta kay Bea dahil nagkabalikan na nga sila ng aktres nung birthday nito. Nagkagulo raw ang fans nang dumating si Jake sa album launching ni Bea na ayon sa mommy ni Chen ay sinamantala lang ng PolyEast ang crowd para nga sa promo ng album ng aktres.

May nakakitang naiyak ang mommy ni Ken sa backstage dahil nasaktan para sa anak na nagmukhang kawawa. Nawala na raw kasi ang anak sa eksena dahil ang sentro ng atensiyon ay nabaling kina Bea at Jake samantalang ang ka-duet sa album ay si Ken. Nalaman pang wala palang talent fee si Ken sa anim na songs na kinanta nito sa album ni Bea.

Biglang nagkakaso pa si Jake na kumanta sa event ng PolyEast samantalang nakakontrata siya sa Dyna Music label. Nagkataong wala pa naman ang manager niyang si German Moreno na nasa US that time para tumanggap ng award.

Nalungkot at nagalit si Kuya Germs dahil parehong nagamit ang kanyang alaga na sina Jake at Ken ng iisang babae pero pinagharap at pinagbati na rin ng Mastershowman ang dalawa para matapos na rin ang isyu.

vuukle comment

BEA

BEA BINENE

DADDY MIGUEL

DYNA MUSIC

GERMAN MORENO

JAKE

JAKE VARGAS

KEN

KEN CHAN

KUYA GERMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with