^

Pang Movies

May pagka-klepto pala young actor huli sa aktong nagnanakaw sa mall

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Hindi naibalita ang pagkakadala sa isang young actor sa isang presinto dahil sa pagiging malikot ng kamay nito.

Nag-shoplift pala ito sa isang kilalang gift shop sa isang mall. At noong sitahin siya ng mga nagbabantay ay nagwala pa raw ito hanggang sa ang mismong security ng pinuntahang mall ang kumontrol sa kanya at dinala siya sa malapit na presinto.

Iyak daw nang iyak ang young actor at sinabi na hindi naman niya sinasadyang gawin iyon. Basta na lang daw niya kinuha ang isang item na hindi niya alam.

Ipinagtataka lang ng mga bantay ng gift shop ay kung wala ito sa sarili, bakit ito biglang nagwala at nag-deny na nasa possession niya ang item? Kung binalik na lang niya ‘yung item na ang halaga ay P300 lang ay wala sanang nadala sa presinto at magiging tahimik na lang sila sa nangyari.

“Gumawa pa kasi siya ng ingay at nagbanta pa siya na idedemanda niya kami dahil pinagbintangan namin siya. Hayun, kaya kami nagalit din at parang nagbabanta pa siyang magbasag sa shop.

“Buti na lang dumating agad ang security kaya tumigil siya. Pagdating dito sa presinto, paiyak-iyak pa siya. Artista talaga siya kasi ang galing umarte, huh!” kuwento ng isang taga-bantay ng shop.

Mukhang mabait pa naman daw ang aktor at wala silang inisip na magnanakaw ito. Sa halaga ng item na ninakaw niya ay kayang-kaya niya namang bayaran dahil aktibo pa naman siya sa showbiz.

Nang dumating ang guardian ng young actor sa presinto para makiusap na pakawalan ang bagets, sinabi nito sa shop owner na pagpasensiyahan na lang dahil may pagka-kleptomaniac daw ito.

Noong bata pa raw ito may ganung sakit dahil minsan ay makikita nila sa loob ng school bag nito na maraming mga gamit na hindi naman nito pag-aari.

Nakiusap din ang guardian ng young actor na wala sanang lumabas na balita tungkol sa nangyari sa mga tabloid or else baka mawalan ng trabaho ang young actor dahil hindi nga naman magandang publicity ang nangyari.

Danita inuumpisahan na ang paghuhubad

Nagpa-sexy na si Danita Paner bilang cover girl ng FHM magazine for the month of November. Hinanda na ng aktres ang kanyang sarili para sa bagong image at gusto niyang ipagpatuloy dahil nasa tamang edad na siya.

“Noon kasi, kapag tinatanong nila ako, hindi pa ako ready. Now, I’m a bit older. ’Yun nga, sabi ko, ‘Baka puwede na nating gawin.’

“At si mommy naman (Daisy Romualdez) very supportive siya. Gusto talaga niya, siya talaga ang nag-push.

“So, ayun, nakakagulat. So, ngayon, heto, lahat ng peg ko rito, pinagbigyan ako ng FHM. Ako ang nag-suggest na parang indie, rock star vibe na... oo, ganoon,” sabi ng young actress.

Two weeks ang ibinigay ni Danita sa kanyang sarili para mag-prepare sa kanyang photo shoot.

“Ayun, diet-diet ng konti, hindi masyadong kumakain. ’Yung mind ko naka-set na talaga na kapag nag-pictorial na kami I wanna make sure na handa ako mentally, physically, and emotionally.”

Handa na ba siyang magpa-sexy na rin sa pelikula?

“Nakausap ko na rin sina Boss Vic (del Rosario). May plans na sila pero magmi-meeting pa rin uli kami tungkol dito.

“Basta hindi ko pa kayang mag-all the way sa screen!,” sagot ni Danita.

Pero may contract na bawal magkuwento Party ni Justin Bieber tatlong beses inireklamo ng mga kapitbahay, nangamoy marijuana rin

Naging kontrobersiyal ang naganap na Gatsby party ni Justin Bieber noong nakaraang Nov. 15. Pinapirma niya kasi ng isang formal contract na nagsasaad na bawal nilang ipamalita ang party.

Nakalagay sa kontrata na nakuha ng TMZ na: “Everyone in attendance agreed not to tweet, text, phone, Facebook, record, write, or in any manner spill the beans on what went on inside.”

Ang lalabag sa kasunduan ng kontrata ay magbabayad ng multa na $3 million dahil nakadiin dito na “no trial, no arguing, just pay up.”

Pero naging problema sa neighborhood ang naturang party ni Bieber dahil tatlong beses na ipinatawag ang sheriff’s deputies dahil sa reklamo ng kanyang mga kapitbahay.

Isa pang reklamo ay amoy marijuana ang party ni Bieber.

Walang mga litrato mula sa party ang lumabas. Kahit na mismo si Bieber na aktibo sa kanyang Instagram account ay walang photo na pinoste mula sa kanyang Gatsby party.

    

 

vuukle comment

BIEBER

BOSS VIC

DAHIL

DAISY ROMUALDEZ

DANITA

JUSTIN BIEBER

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with