^

Pang Movies

Sampalan nina Angel at Angelica muling mapapanood

Pang-masa

MANILA, Philippines - May handog na iyakan at katatakutan ang Cinema One ngayong Linggo (October 27 ) kung saan back-to-back na mapapanood ang drama movie na One More Try na pinrodyus ng Star Cinema at digital horror film na Di Ingon ‘Nato mula sa Cinema One Originals sa ganap na 8 p.m. at 10 p.m. 

Tampok sa One More Try sina Angel Locsin, Dingdong Dantes, Angelica Panganiban, at Zanjoe Marudo. Matutunghayan dito ang kuwento ng isang inang may anak na natataglay ng malubhang sakit. Dahil dito, kinailangan niyang makipag-ugnayan sa ama (Dantes) ng bata na gaya niya’y may iba na ring karelasyon para hingan ito ng tulong. Hinihiling niyang bigyan siya nito ng isa pang anak na siya namang tanging paraan para isalba ang may sakit mula sa kamatayan. Maapektuhan naman nang husto ang kani-kanilang mga relasyon.

Humakot ng anim na parangal ang naturang pelikula sa Metro Manila Film Festival 2012 kabilang na ang Best Picture Award.

Naging maugong na usap-usapan din dito ang mga komprontasyon at sampalan ng mga karakter nina Locsin and Panganiban. 

Samantala, isang zombie film naman ang Di Ingon ‘Nato (Not Like Us) na kinatatampukan nina Rez Cortez, Mercedes Cabral, at Franco Reyes. Umiikot ang istorya nito sa liblib na baryo sa Cebu kung saan may magsasakang papatay, isang batang doktor na hindi maisasalba ang kauna-unahan niyang pasyente, at isang kapitan ng barangay na makakatagpo ng babaeng biktima ng karumal-dumal na pagpaslang sa sementeryo. Mababalot ng misteryo ang buong lugar habang kinakailangan namang magtulungan ng mga tao roon para maligtas at mabuhay.

Umani ng mga positibong papuri ang Di Ingon ‘Nato mula sa publiko dahil bagamat tungkol ito sa mga zombie na usong paksa sa mga pelikula ngayon ay naiiba naman ang naging atake nito.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

ANGELICA PANGANIBAN

BEST PICTURE AWARD

CINEMA ONE

CINEMA ONE ORIGINALS

DI INGON

DINGDONG DANTES

FRANCO REYES

LOCSIN AND PANGANIBAN

ONE MORE TRY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with