^

Pang Movies

Angelica na-shock sa lindol: ‘Ngayon alam ko na ang pakiramdam kapag akala mo magpapaalam ka na sa mundo’

- Vinia Vivar - Pang-masa

Bumulaga sa aming paggising kahapon ang balitang lumindol sa Bohol at Cebu at nakakalungkot na marami raw ang namatay. Pag-tune in namin ng TV, napanood namin ang break-in news kung saan ay iniinterbyu ang Banana Split cast member na si Jason Gainza.

Nasa Bohol pala ang buong cast and staff ng Banana Split nang maganap ang malakas na lindol (7.2 magnitude) dahil may taping sila sa Tagbilaran. Ayon kay Jason, kasalukuyang katatapos lang daw nila mag-breakfast sa hotel kung saan nangyari ang lindol at kapapasok lang nila ng bus.

“Okay naman na po kami. Nag-stand by na kami sa pinakamataas ng Tagbilaran. Nung una po kumakain kami sa may resort ’tapos nung pumasok na kami sa bus, parang inaalog ‘yung bus. Akala namin may nagbibiro lang. ’Tapos lumakas nang lumakas, parang inuuga na parang umaandar,” kuwento ni Jason.

Nang makita nila sa labas na nagtatakbuhan at nagsisigawan ang mga tao, doon nila na-realize na lumilindol nga.

’Yung lugar kung saan sila nag-almusal ay nag-collapse at mabuti na nga lang daw ay nakalabas na sila that time.

Nakunan ni Jason ng video ang gumuhong parte ng building na ipinakita sa ABS-CBN.

“’Yung gumuguho, ’yun ang parte ng building na kinainan namin. Mabuti nakalabas kami. May namatay po sa loob. ’Yung harapan niya nag-collapse na and may bitak-bitak na,” kuwento ni Jason.

Tumulong din ang aktor sa pagre-rescue sa lugar at nagpapasalamat siya na ligtas silang lahat ng mga kasama niya.

Samantala, si Angelica Panganiban naman na kasama rin sa Banana Split ay nag-post ng picture sa Instagram ng nasirang Tagbilaran City Hall at ibinahagi ang pagka-shock na naramdaman sa nangyari.

 â€œPray for Bohol… Pray for our safety. Hindi na matanggal sa isip namin ang nangyari ngayong uma­ga. Sana tumigil na nga ang aftershocks.

“Ngayon alam ko na ang pakiramdam kapag akala mo magpapaalam ka na sa mundo. Pero safe naman na raw kami. Sana tuluy-tuloy na. God bless Philippines,” ang caption ni Ange­lica sa Instagram.

Piolo gustong laging kasama si ShainA

 Piolo Pascual is having his fourth SunPiology project na taun-taon        niyang ginagawa katuwang ang Sunlife Philippines. For a good cause ang proyektong ito dahil ang proceeds ay napupunta sa Hebreo Foundation at tumutulong sa mga mahihirap na kabataan natin na makapag-aral.

Bukod kay Piolo, makikisali rin sa pagtakbo ang iba pang Star Magic celebrities na sina Joem Bascon, Dawn Jimenez, at Young JV.

Nang matanong si Piolo kung iimbitahan ba niya ang special friend na si Shaina Magdayao, alam daw niyang busy ang aktres pero siyempre gusto niya itong imbitahan.

Speaking of Shaina nga ay nilinaw na rin ng press sa aktor ang tungkol sa kumalat na larawan nila ng young actress na makikita silang magka-holding hands na nakunan habang umaalis sila sa Marikina Sports Complex pagkatapos ng ASAP 18 noong 60th year anniversary ng ABS-CBN.

Natawa si Piolo at say niya, hindi raw niya alam kung paano sasagutin.

“We’re not officially together pero natutuwa naman ako kay Shai kasi she lets me do that to her kasi affectionate akong tao eh. Pero siguro, out of respect din ’yun, it’s a gentleman’s ano, pero if there’s anything naman between me and her I’m sure lalabas at lalabas din naman ’yun,” paliwanag niya.

Aminado rin ang aktor na gusto niyang kasama si Shaina at close naman sila kaya wala naman daw masama kung magka-holding hands sila.

vuukle comment

ANGELICA PANGANIBAN

BANANA SPLIT

BOHOL

DAWN JIMENEZ

HEBREO FOUNDATION

NAMAN

PIOLO

YUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with