^

Pang Movies

Rayver tinatawanan lang ang sex video nila ni Cristine

Mary Rose G. Antazo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nadadawit ang pangalan ngayon ng Kapamilya actor na si Rayver Cruz sa isyung sex video diumano nila ng ex-girlfriend niyang si Cristine Reyes kaya agad na hiningan ng reaksyon ng press ang guwapong binata tungkol sa issue.

“Natanggap ko rin ‘yon (text), pero ano ba kayo? Siyempre, kung meron ‘yon, malamang nasa Facebook ko na ‘yon,” sabi ni Rayver. Kabilang si Rayver sa celebrity hunks na rumampa sa Cosmo Bachelor Bash 2013 noong isang gabi. 

 Sabi pa ni Rayver tungkol sa kontrobersiya, “Tsaka virus ‘yon, e. May link, kasi pag kinlick mo, baka ma-virus lang yung phone n’yo.”

Ang tinutukoy ni Rayver ay ang mga agaw-atensiyong titles ng links, na kadalasang nakikita sa status ng Facebook users. Kapag na-click daw ito ay posibleng magka-virus ang mga gadget.

Diin ng young actor sa diumano’y sex video nila ni Cristine, “Wala talaga. Siyempre, huwag namang ganun.”

Ayon pa kay Rayver, napag-usapan na nila ni Cristine ang tungkol dito. Tinawanan lang daw nila ang isyu.

“Oo, tinatawanan lang namin.

“Siguro, may mga tao diyan na naninira talaga. ‘Di lang namin pinansin.

“Nagtatawanan lang kami sa taping, kasi pati siya nakatanggap (ng text message). Ako, nakatanggap. Buong family ko, nakatanggap.

“Andami, sobra! Andaming nakatanggap, so nakakatawa lang. ‘Huh!? Ano ‘yan?’”

Bagamat tinapos na ng dalawa ang kanilang relasyon, nananatiling magkaibigan sina Rayver at Cristine.

Sa ngayon nga ay magkasama pa sila sa ABS-CBN primetime series na Bukas Na Lang Kita Mamahalin.

Samantala, malaki naman ang pasasalamat ni Rayver na nakabilang siya sa centerfolds ng Cosmo Men ngayong 2013. Isa siya sa nakatanggap ng pinakamalakas na clapping at cheering mula sa fans.

                                                             

vuukle comment

BUKAS NA LANG KITA MAMAHALIN

COSMO BACHELOR BASH

COSMO MEN

CRISTINE

CRISTINE REYES

FACEBOOK

LANG

RAYVER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with