^

Pang Movies

Dingdong at buong pamilya sumugod sa presscon ni Marian

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Naging masaya ang first press conference ni Marian Rivera sa Star Cinema, held at the Dolphy Theater in ABS-CBN compound para sa epic-action-comedy movie nila ni AiAi delas Alas, ang Kung Fu Divas. Pawang magaganda ang mga comment ng mga co-star ni Marian sa kanya, like si AiAi na devotee ni Virgin Mary, parang batang Nanay Mary daw ang beauty ni Ma­rian at nakita niyang born comedienne ang actress dahil hindi gawa-gawang comedy lamang ang ginawa nila para makapagpatawa sa movie.

Puring-puri rin ng actor-politician na si Roderick Paulate at ni Nova Villa ang timing sa pagpapatawa ni Marian dahil una na nilang nakasama ang actress sa sitcom nilang Tweet for My Sweet sa GMA 7. Masaya raw naman sila lagi sa set, sabi ni Bianca Manalo, dahil bungisngis si Marian at natutuwa sila rito. 

Ayon naman sa co-star nilang si Edward Mendez, nakakatuwang kasama si Marian dahil may sense of humor ito at galante sa pagdadala ng pagkain. 

Si Direk Onat Diaz, hindi raw niya gagawin ang movie kung hindi parehong nag-commit sa kanya sina AiAi at Marian.

Bukod sa press conference, sa ilang shows din ng ABS-CBN nag-guest si Marian, three days silang guests ni AiAi sa Kris RealiTV. Kahapon ay may interview siya kay Carmina Villarroel para sa Showbiz Inside Report. In turn ay nag-guest naman si AiAi sa StarTalk. Sa Sunday, Sept. 29, may interview si Boy Abunda kay Marian sa The Buzz kaya may nagtanong sa kanya sa presscon kung may special treatment ba sa kanya ang GMA 7 dahil pinayagan siyang mag-promote sa mga show ng Kapamilya Network?

“Nagpaalam po ako sa GMA at dahil alam nilang producer ako at artista sa Kung Fu Divas, pinayagan nila ako,” say ni Ma­rian. â€œKaya nagpapasalamat ako sa kanila and I am proud to be a Kapuso.”

Nagpasalamat din si Marian sa Star Cinema at ABS-CBN sa mainit na pagtanggap sa kanya at sa pagpayag nilang i-release ang kanilang movie at maging part ng kanilang 20th anniversary. Ang Kung Fu Divas ay tungkol sa dalawang babaeng magkalaban sa lahat ng bagay pero nagkasundo para kalabanin ang kasamaan ni Santi (Roderick). Sa Oct. 1 ang premiere showing nila at sa Oct. 2 ang opening in thea­ters nationwide.

Marian is so blessed to have a very suppor­tive boyfriend dahil binisita siya ni Dingdong Dantes bago nagsimula ang presscon, to wish her good luck. Nagkataong may shooting ang BF ng movie nitong She’s the One with Bea Alonzo sa isang studio sa ABS-CBN. Dumating din doon ang family ni Dingdong at sumuporta rin sila kay Marian.

Misteryo sa dormitoryo magsisimula nang malaman

Magsisimula nang tuklasin ang isang misteryong naganap sa isang dormitory malapit sa Branwood College nang isang lady student ang namatay doon, aksidente ba ito o isang krimen? 

Sa direksiyon ni Jun Lana, mapapanood na ang Dormitoryo mamayang hapon, after ng Sunday All Stars.

vuukle comment

ANG KUNG FU DIVAS

BEA ALONZO

BIANCA MANALO

BOY ABUNDA

BRANWOOD COLLEGE

CARMINA VILLARROEL

KUNG FU DIVAS

MARIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with