^

Pang Movies

AiAi umiiyak pa rin ‘pag naaalala ang dating asawa!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Inamin ni AiAi delas Alas kay Kris Aquino na may mga oras na umiiyak pa rin siya kapag naaalala niya ang mga nangyari sa kanila ng estranged husband na si Jed Salang.

“May mga times. Alam mo minsan, hindi ba parang akala mo okay ka na, hindi pa pala? Totoo ‘yon,” sabi ni AiAi sa Kris TV.

Nag-agree naman si Kris na, as we all know, just like AiAi ay may mga naging karanasan din sa dating asawang si James Yap.

“True, ’di ba? Hindi kasi kapag may proseso kang pagdadaanan eh babalik lahat. Diyos ko, at kailangan i-unearth lahat. The saddest part is in order for you to get that annulment, parang lahat na ng baho n’yo sa isa’t isa ay kailangan n’yong halukayin. ‘Yun ang problema, after that may ano ‘yan, tumatatak sa puso,” saad ni Kris.

Sa ngayon daw, ayon kay AiAi, hindi pa siya ready na pumasok ulit sa panibagong relasyon.

“Not now. Matagal pa siguro. Hindi naman natin alam,” sabi ni AiAi na busy ngayon sa promo ng Kung Fu Divas nila ni Marian Rivera.

Toni sinusungitan si Alex sa pagho-host

Hindi maipaliwanag ni Alex Gon­zaga ang sob­rang kasiyahan nang isama siya bilang isa sa hosts ng The Voice of the Philippines kasama si Robi Domingo at ang ate niyang si Toni Gonzaga bilang main host.

Noong una nga raw na sabihin sa kanya ng inang si Mommy Pinty na ka-join siya sa show, ayaw niya pang maniwala.

“Pero nung kinausap na ako ni ate at sinabi na ‘O, kasama ka pala sa The Voice…,’ then tinuruan na niya nga ako,” kuwento ni Alex.

Wala bang ilang factor na makasama niya ang kanyang ate?

“Parang okay naman kasi yung unang-unang taping ko rito sa ABS-CBN, ito po agad ang ginawa ko. Natuwa ako kasi ka-dressing room ko agad ’yung ate ko, so, parang naging at home agad ako.

“And mostly ’yung mga staff dito sa The Voice, parang nakikita ko na noon pa sa PBB (Pinoy Big Brother), so, parang ang bilis agad na naka-adjust ako,” pahayag ng aktres na tuwang-tuwa nga.

Dahil noon pa ay sinasabi naman ni Alex na ang Ate Toni niya ang No.1 critic niya, natanong ang young TV host-actress kung pasado ba naman sa kapatid niya ang kanyang trabaho sa The Voice of the Philippines.

“Nagme-make-up pa lang ako, tine-text na niya ako, ‘Patingin ng make-up, patingin ng damit.’ Sabi ko, ‘’Di ba, nagtatrabaho ka rin?’ and in fainess to her, right after the commercial gap, tineks na niya ako, ‘Please tell Robi (Domingo), I watched, magaling kayo.’ Opening pa lang, na-predict na niya agad, talagang nag-text na siya agad.

“So, ’yun. Very supportive naman siya kaya lang minsan talaga mas masungit pa siya sa EP,” pagbubuking ni Alex.

On cam ay okay naman daw kasama si Ate Toni niya.

“Kasi on cam, talagang ginagabayan niya rin ako. Kahit off cam, talagang sobra ang paggabay. Ultimo ‘yung daldal ko sa set, mayroon siyang nasasabi. At hindi lang ‘yun, nire-report agad kay Mommy. Parang ang hirap din minsan eh,” natatawang sabi ni Alex.

 In fairness to Alex, halata namang naka-settle na rin siya sa ABS-CBN. Heto nga’t isinama rin siya sa Banana Split bilang isa na sa regular cast at, say niya, masayang-masaya naman siya sa kanyang bagong tahanan. 

 

vuukle comment

AGAD

AKO

ALEX

ALEX GON

ATE TONI

NAMAN

NIYA

SIYA

VOICE OF THE PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with