^

Pang Movies

Gabby malaki pa ang galit kay Jenny Syquia, hindi pa kayang kausapin?!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Si Cloie Syquia-Skarne lang ang wala sa birthday cele­bration ng nanay ni Gabby Concepcion noong nakaraang linggo.

Nagpunta sa bahay ni Mommy Baby Concepcion sa San Juan City ang kanyang mga apo kay Gabby, sina KC, Garie, at Samantha.

Bukod tangi na si Cloie ang wala dahil hindi pa naman sila nagkikita ng eye to eye ng kanyang ama. Gusto ni Cloie na mag-artista kaya gustung-gusto na rin ni Jenny Syquia na makilala ng kanyang anak ang biological father nito.

Awkward nga naman na palaging left out ang kanyang anak sa mga special event o gathering sa buhay ni Gabby.

Baka wala pang courage si Jenny na kausapin si Gabby dahil sa kanilang bitter separation noon na uma­bot pa sa korte.     

Malay natin, puwedeng malalim ang sugat na nilikha sa puso ni Gabby ng paghihiwalay nila noon na naging dahilan ng matagal na paninirahan niya sa Amerika.

Ang panganay na anak ni Gabby kay Ginbee ang kanyang madalas na kasama. Binibitbit ni Gabby si Samantha sa beach house niya sa Lobo, Batangas.

Nakita ko na ang beach house ni Gabby sa Lobo nang puntahan ko ang resthouse ni Linggit Tan doon.

Talagang ginastusan ni Gabby ang beach house na ipinalit niya sa kanyang resthouse sa Anilao, Batangas.

Kung ano ang relasyon ni Gabby kay KC noong bagets pa ito, ganoon din ang closeness nila ni Samantha, isang bagay na never na na-experience ni Cloie dahil dinala ito ni Jenny sa Sweden.

Kris at mga anak na-miss ang kanin sa Holy Land

Sinulit ni Kris Aquino at ng kanyang mga anak ang bakasyon grande nila.

Pagkatapos maglibot sa Holy Land, dumiretso sa Hong Kong ang mag-iina bago sila bumalik sa Pilipinas.

Namasyal ang tatlo sa Hong Kong Disneyland at kumain ng kanin dahil ito ang na-miss nila sa kanilang Holy Land trip. Sinulit ni Kris ang pagbabakasyon dahil magsisimula na sa Lunes ang klase ni Bimby na well-traveled sa murang edad.

Andre at Kobe Paras, Kapuso na

Pumirma ng kontrata sa GMA Artist Cen­ter (GMAAC) noong Miyerkules ang magkapatid na Andre at Kobe Paras.

Ang ibig sabihin, co-managed ng GMAAC ang showbiz career ng mga anak nina Benjie Paras at Jackie Forster.

Iba ang kontrata na pinirmahan ng magka­patid sa Viva Group of Companies. For product endorsements naman iyon. I’m sure, proud mother si Jackie sa achievements ng kanyang mga anak.

Minana nina Andre at Kobe ang hitsura ni Jackie kaya hindi puwedeng i-deny na siya ang kanilang tunay na nanay. Carbon copy niya sina Andre at Kobe ha? Kuhang-kuha nila ng pagkamestisa ni Jackie.

Repeat ng Katy musical nire-request

Tapos na ang pagtatanghal sa Meralco Theater, Ortigas, Pasig City ng Katy, The Musical. Marami pa ang hindi nakakapanood sa Katy kaya wish nila ay magkaroon uli ng repeat ang acclaimed musical play na pinagbidahan nina Isay Alvarez, Tirso Cruz III, Epi Quizon, at Dulce.

Megan balik-GMA dahil sa Miss World

Mahigpit ang labanan sa Miss World Philip­pines dahil magaganda ang mga kandidata.

Nahaharap sa malaking laban si Megan Young dahil marami ang katulad niya na mestisa at matangkad.

Ang GMA 7 ang media partner ng Miss World Philippines. Balik-GMA si Megan na nag-umpisa ang showbiz career bilang Starstruck contestant.

vuukle comment

ANAK

CLOIE

DAHIL

GABBY

HOLY LAND

KANYANG

KATY

KOBE PARAS

SAMANTHA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with