^

Pang Movies

Kahit hindi sinuwerte last election Aga hindi pa suko sa pulitika

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ineengganyo si Aga Muhlach na senador na lang ang takbuhan sa 2016 election. Hindi kasi pinalad ang aktor sa unang attempt nito sa pulitika sa Camarines Sur pero hindi ibig sabihin ay suko na siya. Pero ’yung tumakbo ng senador ay hindi niya kakayanin.

“Ibigay na lang natin ’yan kina Senator Bong (Revilla, Jr.) at Senator Jinggoy (Estrada). Hindi ko kaya ’yan. ’Yung ilang distrito nga sa CamSur, nahirapan din ako, ’yun pa kayang nationwide? Hahaha! Pahinga muna tayo sa politics pero I will still help in CamSur. Hindi naman sa pagtakbo ko nagsisimula at nagtatapos ang lahat,” pahayag ni Aga sa press na dumalo sa birthday party ng manager niyang si Manay Ethel Ramos.

Mas uunahin muna ni Aga ang pagpapapayat. Sabay silang mag-exercise ng asawa niyang si Charlene Gonzales na kasabay niyang dumating sa birthday dinner.

Present din sa party si Sen. Bong at ilang kaibigan sa showbiz at relatives ni Manay Ethel. Dumating din si Mother Lily Monteverde na gustong sumama sa shooting ng Status: It’s Complicated sa Boracay. Absent naman ang isang alaga ni Manay na si Angel Locsin dahil nasa abroad ang aktres.

Happy, happy birthday, Manay!

Boy Abunda hindi pinayagang mag-judge sa Sireyna

Kinukuhang judge si Boy Abunda last Saturday para sa grand finals ng Super Sireyna Queen of All Queens ng Eat Bulaga. Gustung-gusto ni Kuya Boy na maging bahagi ng event dahil credible naman siyang maging judge.

Sad to say, hindi siya pinayagan ng ABS-CBN. Pero naiintindihan naman ng Bulaga ang sitwasyon ng TV host-talent manager.

Sa totoo lang, naging kontrobersiyal ang panalo ni Francine Garcia a.k.a. Kim Chiu. Mabilis kumalat agad ang balitang idi-dethrone siya dahil sa eskandalosong pictures at videos nito sa isang social media site. Pero itinanggi ito ng TAPE, Inc. na producer ng show. Wala rin silang public relations office na nagpalabas ng statement na naka-post sa ilang social media.

Hindi na rin maglalabas ng statement ang management dahil one time, big time lang naman ang Super Sireyna at matatagalan bago masundan!

Aktres na mas piniling maglamyerda kasama ang dyowa kesa magtrabaho

Umiral na naman ang kalokahan ng aktres sa isang commitment. Urong-sulong ang pagtango nito sa isang guesting. Pero sa last minute ay tumanggi na siyang talaga na ikinataranta ng staff ng show.

Eh buti sana kung valid ang reason ng aktres sa pagkansela ng guesting. ’Yun pala, magliliwaliw lang siya sa isang probinsiya kasama ang dyowa!

Pinag-iisapan tuloy ng show na i-boycott muna ang aktres na maging guest sa show ng ilang buwan!

vuukle comment

AGA MUHLACH

ANGEL LOCSIN

BOY ABUNDA

CAMARINES SUR

CHARLENE GONZALES

EAT BULAGA

FRANCINE GARCIA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with