^

Pang Movies

Parehong hindi nagmamadali Kim ayaw lagyan ng label ang relasyon nila ni Xian

- Vinia Vivar - Pang-masa

 

 

Kahit nagluluksa pa si Kim Chiu sa pagyao ng kanyang ina, naging masaya naman ang atmosphere sa presscon ng Bakit Hindi ka Crush ng Crush Mo? na pelikula nila ni Xian Lim under Star Cine­ma held last Tuesday night.

Ang mas lalong nakapagpasaya ng presscon ay ang presence ng tinaguriang Internet Action Star na si Ramon Bautista na kalog nga palang talaga in person.

Base ang kuwento ng movie sa self-help book na sinulat mismo ni Ramon, whom we learned sa presscon na isa pala siyang professor sa UP. At pinipilahan daw ang klase niya since sikat na nga siya.

Puring-puri siya ng tatlong cast na sina Xian, Kim and Kean Cipriano at maging ang direktor ng pelikula na si BB. Joyce Bernal. Lahat sila ay nagkakaisa sa pagsasabing matalino, malalim, may sense na kausap at marami raw matututunan kay Ramon.

When asked kung ano ang reaksiyon niya sa lahat ng papuring ito, say ni Ramon ay kinikilig daw siya.

“Gusto kong ilibre sila ng extra rice at saka ng iced tea. Totoo ang mga sinabi nila. Naku, napakagaling ko talagang tao,” say niya na ikinatawa ng lahat.

When asked kung magtutuluy-tuloy na ba siya sa pag-aartista, aniya, “naku, nakasalalay po sa Star Cinema ‘yan kung gusto ba nilang ilagay ‘yung pagmumukha ko sa mga next movies nila.”

Pero gusto niya?

“Okay din. Ang sarap ng caring ng Star Cine­ma,” sambit niya. Ha-ha-ha! Kaaliw!

Samantala, sa naturang presscon pa rin, siyempre ay natanong sina Xian and Kim kung ano ba talaga ang tunay na estado ng relasyon nila since matagal-tagal na rin naman silang nali-link.

Pero ayon sa young actress, huwag na raw nating gawing big deal kung sila ba ni Xian or hindi.

“Kasi kung sabihin man naming kami o hindi, wala namang mangyayari at saka, wala rin namang mawawala sa inyo o madadagdagan sa inyo.

“Hindi ba? Parang hindi naman importante ‘yung label. As long as nakikita ninyo kami, napapanood ninyo kami at napapa­saya namin ang mga tao, ‘yun na ‘yun, eh. ‘Yun na lang ang pagbasehan natin.

 â€œHindi importante ‘yung “ah sila”, “ah, hindi.” Puwede n’yong isipin ‘yun and wala namang mawawala sa amin, wala ring mawawala sa inyo.”

Dagdag pa ni Kim, ayaw daw nilang madaliin ang mga bagay-bagay.

“Katulad ko, ang dami ko nang mga ka­ganapan sa buhay and ako, dinadahan-dahan ko ang mga nangyayari sa akin,” she said.

Ang ipinagpapasalamat ni Kim kay Xian ay ang paghihintay daw nito, ang pagiging palaging nandiyan sa tabi niya especially during those times na dumadaan siya sa mga hard times, ‘yung sincerity raw ng aktor at ‘yung effort nito sa lahat-lahat.

Ayon kay Kim, naa-appreciate niya ang lahat ng ginagawang ito ni Xian for him.

Samantala, first big screen team-up ni Xian at Kim ang Bakit Hindi ka Crush ng Crush Mo na showing na sa July 31. Ang naturang pelikula ay bahagi pa rin ng 20th anniversary celebration ng Star Cinema.

 

 

vuukle comment

BAKIT HINDI

CRUSH MO

INTERNET ACTION STAR

JOYCE BERNAL

KIM

STAR CINE

STAR CINEMA

XIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with