^

Pang Movies

Barbie mabango ang gustong maging bf

Mary Rose G. Antazo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakakatuwa ang pagiging prangka ng Kapuso teen star na si Barbie Forteza. Pero aminado itong minsan ay nami-misinterpret siya ng ibang taong hindi nakakakilala sa tunay niyang pagkatao. Ang role na ginagampanan niya sa seryeng Anna Karenina bilang Karen ay mayroong malaking pagkakahawig sa totoong buhay. Kikay at babaeng bakla ang role niya at wala nga raw effort sa part niya kapag ginagampanan na niya ang character.

“Actually, very Barbie Forteza lang talaga ang peg ng character ko as Karen. In real life kasi kikay naman talaga ako at masayahin. May pagka-babaeng bakla din minsan pero hindi naman ‘yung sobra-sobra, ‘yung tama lang,” say niya.

Minsan ay nadya-judge siya as napakaarte pero ang hindi raw alam ng iba ay napaka-totoo niyang tao, ‘yung tipong jologs at napakadali niyang pakisamahan.

“Mahirap kasi mag-pretend na ikaw ‘yung ganoong tao na hindi naman in real life. Mas maganda na kung ano at sino ka, ‘yun ang ipapakita mo sa tao,” deretsahang sabi ni Barbie.

Naitanong din namin kay Barbie kung hindi ba sila na-insecure nina Krystal Reyes at Joyce Ching sa pagpasok ng character ni Thea Tolentino bilang Angel?

“ Ay, hindi po, the more the merrier, mas exciting nga at nakadagdag sa ganda ng story namin. She’s very welcome sa amin,” saad niya.

Samantala, this coming July 31 ay birthday na ni Barbie at 16 years old na ang bagets. Ang ideal man daw na gusto niyang maging boyfriend in the future ay ‘yung sweet, gentleman, makulit, naiintindihan siya, nagkakasundo sila sa mga joke, at ‘yung mabango.”

vuukle comment

ANNA KARENINA

BARBIE

BARBIE FORTEZA

JOYCE CHING

KAPUSO

KIKAY

KRYSTAL REYES

THEA TOLENTINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with