Babaeng personalidad, papansin na naman
Nag-iingay na naman ang isang female personality na laging luhaan sap ag-ibig!
Maganda naman si female personality at balitang mayaman. Pero pagdating sa lalaki, lagi siyang Crying Matilda ang drama!
At heto na naman si female personality na nag-iingay sa social media. This time, ang unang lalaking nag-iwan sa kanya ang kinakalantari sa posts niya.
Eh nang tanungin ang isa pang lalaking naugnay sa female personality sa ginagawa ng ex niya, “Papansin lang yan!” at nang tanungin kung gusto pa ba niya itong balikan, “Hindi na!” ang sagot ni lalaki!
Wil-Bea, level up ang relasyon
LEVEL up na ang role ng Wil-Bea (Wilbert Ross at Bea Binene) sa una nilang big screen team up na PH adaptation ng Thailand’s blockbuster Pee Mak. Mag-asawa na sila at may anak pa!
Pero hindi pa rin mawawala ang kanilang kilig scenes na napanood nila sa series nilang Golden Scenery of Tomorrow at Love U Lots sa Viva One.
“May mga binago lang ako sa kanilang para hindi sila mawala sa character” saad ni Direk Victor Villanueva known for his work in Patay Na Si Hesus.
“ I am very conscious na iba ang character nila. Gusto ko kasi cinematic sila, you know bigger than life. Utos ng management! Hahaha!” diin ni direk,
“’Yun ang challenge bilang isang director upang ihulma ang characters nila. Marami pa rin silang kilig moments, bilangn na lang nila pag showing na ang movie!” diin ni Direk Victor na sa October 16 na mapapanood ang movie na kinabibilangan din nina Gian Bernardino, Jairus Aquino, TJ Valderama, at Vandolph Quizon.
Viva, may bagong app
IDINAGDAG sa apps ng Viva Communications ang VivaOke para sa ating mga Pinoy na mahilig sa videoke!
Sa launching ng app na dinaluhan ng ilang Viva artists like Astine Olviga, Amiel Sol at iba pa, ang Filipino pastime na pagkanta, puwedeng sing along, record their performances, at save their karaoke sessions sa kanilang phone at iba pang devices.
Magkatuwang ang Viva Communications at Viva Music Group sa paghatid ng Filipino songs sa affordable subscription sa halagang P99.00 a month at yearly subscription na P949.00.
Panalo ang Viva Communications sa Viva Oke!
- Latest





















