^

Pang Movies

Aktor na unti-unting nagkakapangalan nabuking na nagsasakit-sakitan lang, tamad lang palang bumangon ng maaga

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Nagiging problema ng production staff ang aktor na unti-unting nagkakaroon ng name sa showbiz.

Palaging nagdadahilan ang aktor na may sakit kapag maaga ang calltime niya sa mga taping. Noong una, naniwala ang production staff sa alibi ng aktor pero nang tumagal, napansin nila na napapada­las ang pagkakasakit ng aktor pero walang- wala sa itsura nito na may karamdaman siya.

Buking ang drama ng aktor dahil lumabas ang katotohanan na tinatamad lang siya na buma­ngon nang maaga mula sa kanyang kama.

Feel na feel ng production staff ang paglaki ng ulo ng aktor na nalu­lunod na yata sa isang baso ng tubig.  Kung hindi magbabago ang attitude ng aktor, bilang na ang kanyang mga araw dahil walang pasensiya sa mga katulad niya ang production staff at ang mga bossing ng TV network.

Alfred nagpapapayat pa

Hindi pa naglalabas si Alfred Vargas ng official photo niya bilang congressman ng 5th District ng Quezon City. Ang feeling kasi ni Alfred, chubby pa siya kaya ang pagpapapayat muna ang kanyang inaatupag.

If I know, pinaghahandaan ni Alfred ang malaking event sa Kongreso sa July 22, ang State of the Nation Address ni P-Noy kaya ser­yoso siya sa kanyang diet at exercise.

Mabilis magpapayat  si Alfred dahil malakas ang kanyang self-discipline, isang bagay na wala ako dahil tamad na tamad ako na mag-exercise.

Sure ako na isa ako sa mga unang bibigyan ni Alfred ng kanyang official photo bilang Congressman kapag physically fit na siya.

Halikan nina Eugene at Iza, maingay na maingay

Nakita ko ang kissing picture nina Eugene Domingo at Iza Calzado na kuha mula sa isang eksena nila sa indie movie na Mga Kuwentong Barbero.   

May nagbulong sa akin na dream sequence ng pelikula ang kissing scene nina Eugene at Iza na big deal sa mga moralista at sa mga tao na hindi sanay na nakakakita ng dalawang babae na naghahalikan.

Naging maingay ang Mga Kuwentong Barbero dahil sa kissing photo nina Iza at Eugene. Magandang pang-promo at publicity ng pelikula ang kontrobersyal na litrato.

My Lady Boss mas maganda sa naunang pelikula nina Marian at Richard

Mabuti naman, tumigil ang ulan kahapon at sumikat ang araw kaya hindi na tinamad na lumabas ang mga tao na matagal na hi­nintay ang playdate ng My Lady Boss, ang movie nina Marian Rivera at Richard Gutierrez.

Marami akong kakilala na excited na mapanood ang My Lady Boss na sinasabi na mas maganda kesa sa unang movie team up nina Richard at Marian noong 2007, ang My Bestfriend’s Girlfriend.

Most Beautiful ng Yes, lihim na lihim

Malapit na pala ang grand reveal ng Most Beautiful ng YES! Magazine. Sikretung-sikreto ang listahan ng 100 Most Beautiful Celebrities ng YES! pero pupusta ako na kasali ang love team nina Tom Rodriguez at Dennis Trillo.

Maingay ang love team ng dalawa dahil sa kanilang tele­serye sa GMA 7, ang My Husband’s Lover. Baka pagbintangan na unfair ang staff ng YES!  kapag naitsa-pwera nila ang love team nina Tom at Dennis? Agree ka ba Mama Salve?

Lovelife ni Tom walang nakakaalam

Ma at pa ang sagot ko sa mga nagtatanong sa kung sino ang dyowa ni Tom Rodriguez.

Hindi ko alam ang isasagot dahil hindi naman ako intere­sado sa personal na buhay ni Tom. Si Dennis Trillo lang ang alam ko na dyowa ni Tom sa TV, hindi sa real life!

vuukle comment

IZA

MGA KUWENTONG BARBERO

MOST BEAUTIFUL

MY LADY BOSS

NINA

TOM RODRIGUEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with