^

Pang Movies

Magaling na aktor na ipapareha sa dating ka-love team napipilitan lang kaya nagde-demand ng malaking talent FEE

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Malaking talent fee kaya ang siningil ng isang magaling na aktor upang mapapayag siyang makaparehang muli ang isang aktres sa bagong programang sisimulan ng isang network?

Come to think of it, may sarili nang career at buhay ang aktor nang matagal-tagal na. Pero siyempre,  siya pa rin ang naiisip na gustong ipareha sa aktres komo nga naging number one ang love team nila.

 Pero siyempre, hindi naman puwedeng forever siyang nasa anino ng aktres dahil may mga solo achievements naman siya bilang artista, huh! In demand siya lalo nga’t magaling siyang artista.

Eh, minsang gusto nga silang pagsamahin sa movie ng aktres, nag-demand ng malaking talent fee ang aktor. Hindi naman pupuwedeng ibaba niya ang singil niya dahil alam niya ang papasukan niyang obligasyon. So dapat lang na maging fair ang treatment sa kanya.

Then, pati ‘yung role ay mapili siya. Hindi puwedeng pang-background lang ang dating niya. Gusto niyang markado ito nang sa gayun, hindi siya lumabas na kawawa sa kabuuan ng proyekto.

Kaya kung sakaling matuloy ang pagsasama ng aktor at aktres, matagal-tagal na kumbinsihan ang nangyari upang mapasagot ang aktor, huh!

Michael de Mesa mas matagal pang nagta-trabaho kesa kapiling ang asawa

Nagagawa nang magpigil ni Michael de Mesa pagdating sa mga girls. Kasi naman, kahit nasa Amerika ang kanyang bagong asawa at nandito siya, hindi dahilan ‘yon upang magloko na siya, huh!

 â€œBabalik ako roon upang ayusin ang papers ko after ng taping ng Indio. Magkakaroon din ako ng post Father’s Day concert with my dad at siyempre, dadalo ako sa wedding ng anak kong si AJ.

“From the US, I will be going to Berlin to shoot a movie with Ro­bin Padilla. Ito ‘yung 10,000 Hours at baka mag-shoot din kami sa France at iba pang European countries,” balita ni Michael sa huli na­ming pag-uusap.

Gustuhin mang manatili ni Michael sa Amerika kasama ang asawa, naging maganda kasi ang takbo ng career niya rito matapos bumalik nu’ng gawin ang remake ng Valiente. May isang taon pa siyang bubunuin sa GMA kaya mas mas matagal ang pamamalagi niya rito kesa sa piling ng asawa.

 

vuukle comment

AMERIKA

BABALIK

GUSTUHIN

INDIO

KASI

KAYA

PERO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with