^

Pang Movies

Dating beauty queen kasundo ang tunay na pamilya nang karelasyong kamamatay lang

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Namatay recently ang dyowa ng dating beauty titlist turned actress na nag-best actress pa may ilang taon na ang nakalilipas. Dating dyowa si aktres ng semi-movie producer na may anak na artista rin. May anak siya sa said dyowa at isa ng chef ng isang sikat na kainan. Nagkahiwalay sila noon bago nakarelasyon ng aktres ang isang may edad na rich businessman na hiwalay naman sa asawa. Kumbaga, pareho silang available nang magkakilala.

Well-provided si aktres, may sariling condo unit sa Greenhills, at may resort sa isang subdivision sa Antipolo City. Matagal na nagsama si aktres at si businessman hanggang namatay nga dahil sa isang maselan na sakit. Nang nakaburol na sa isang funeral chapel ang dyowa niya, dumating at nagbantay sa burol ang legal wife at mga anak nito. Napakagandang tingnan ng legal family at ng aktres. Kita mo ang respeto nila sa isa’t isa at ang pagmamahalan.

Walang planong mag-comeback sa showbiz ang beauty queen na napakaganda pa rin hanggang ngayon porke biyuda na siya.

Ayaw niya. Masaya na raw siya sa buhay niya ngayon kahit wala na ang rich papa niya.

Azenith Briones natuwa sa panalo ni Sol Aragones

Ang saya-saya ni Azenith Briones dahil nanalo si Sol Aragones na congresswoman sa 2nd District ng San Pablo, Laguna. Siya kasi ang campaign manager ng dating TV reporter ng ABS-CBN.

Ganoon din ang saya ng katoto at radio host na si Jobert Sucaldito ng programang Mismo ng DZMM dahil naiproklama na si Laguna Governor ER Ejercito at ang maybahay niyang Mayor Maita Ejercito ng Pagsanjan. Si Joebert ang publicist nila.

vuukle comment

ANTIPOLO CITY

AYAW

AZENITH BRIONES

EJERCITO

JOBERT SUCALDITO

LAGUNA GOVERNOR

MAYOR MAITA EJERCITO

SAN PABLO

SI JOEBERT

SOL ARAGONES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with