^

Pang Movies

Gretchen tameme pa sa mga paratang ng sariling ina

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Ano nga kaya ang tunay na dahilan ng pag-alis ni Raymart Santiago sa bahay nila ni Claudine Barretto sa Quezon City.

Ang nanay ni Claudine na si Mrs. Inday Barretto ang nag-confirm na nag-alsa balutan si Raymart at hoping siya na hindi temporary lang ang pag-alis ng kanyang manugang.

Mahihirapan si Raymart na mag-deny dahil lalabas na hindi totoo ang revelation ng kanyang biyenan. Baka sila pa ang magkaroon ng gap at lalong hindi maging home sweet home ang tahanan nila ni Claudine.

Inaabangan ng mga mahihilig sa intriga ang sagot ni Gretchen sa mga bintang ng kanyang ina.

Matitindi ang mga paratang ni Mrs. Barretto at kung hindi sasagot si Gretchen, baka isipin ng mga tao na totoo ang mga akusasyon sa kanya ng sariling ina.

Putok na putok kahapon ang sulat na inilabas ni Mrs. Barretto sa Philippine Star column ni Papa Ricky Lo. 

Pati ang mga tao na nakahalubilo ko kahapon sa Legazpi, Albay, tinatanong ako tungkol sa isyu na wala akong kinalaman. Mabuti na lang, magkasama kami ni Papa Ricky sa Albay trip. Siya ang higit na nakakaalam sa gulo ng Barretto siblings.

Walang masyadong isyu sa showbiz kaya nakatutok ang mga intrigero at intrigera sa away ng mag-inang Inday at Gretchen.

Kaligayahan na ng mga mahihilig sa tsismis na makisawsaw sa mga family feud. Bentang-benta sa kanila ang away ng mag-ina dahil nagsawa na sila sa isyu nina James Yap at Kris Aquino, Cecile Ongpauco at Senator Chiz Escudero. 

Pero gaya ng mga nabanggit na family scandal, matatapos din ang Inday-Gretchen controversy dahil mabilis magsawa sa mga tsismis ang mga Pinoy na palaging naghahanap ng bagong tsismis na pagpipistahan.

Gov. Salceda may personal encounter sa showbiz personality

Nakakatuwa na kausap si Albay Governor Joey Salceda dahil bukod sa pulitika, may alam din siya sa mga showbiz news.

Malapit sa puso ni Gov. Salceda ang entertainment press dahil mga showbiz reporter ang karamihan sa mga kaibigan niya.

May mga personal encounter si Papa Joey sa mga showbiz personality pero off the record ang kanyang mga kuwento. Baka ma-offend ang mga starring sa kuwento niya, lalo na ang isang aktres na nagparamdam sa kanya.

Bahala na kayong mag-isip kung ano ang ibang ibig sabihin ng nagparamdam word!
 

 

vuukle comment

ALBAY

ALBAY GOVERNOR JOEY SALCEDA

CECILE ONGPAUCO

CLAUDINE

CLAUDINE BARRETTO

GRETCHEN

JAMES YAP

KRIS AQUINO

MRS. BARRETTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with