^

Pang Movies

Piolo pinabayaan nang mag-artista ang dakilang alalay

YSTAR - Baby E - Pang-masa

How do Janice de Belen at Carmina Villarroel conduct their interviews with their fellow movie stars or their talk program every Saturday, ang Showbiz Inside Report (SIR) on ABS-CBN?

In the case of Ogie Diaz, a co-host of the show, kusang ni-refrain niya ang sarili from interviewing their guest stars as they might feel provoked daw, considering nga naman na acting, unlike Janice at Carmina, is not his main occupation. Although, occasionally, napapanood siya sa series at pelikula bilang supporting player.

Pero entertainment writing pa rin ang kanyang main occupation, susog pa ni Ogie. Sa show, kasama siya sa discussion at analysis ng main topic of the day.

Ayon kay Janice, as an interviewer, she tries to be as casual as possible lalo pa nga at nagkataong ang kanyang interview ay malapit sa kanya and, thus, ang kung anumang gusto niyang itanong, maliban nga naman kung may kinalaman ito sa kanyang bagong project, ay may ideya na siya somehow.

Wala raw siyang particular na interesadong ma-interview among her colleagues. Bagama’t kahit kelan ay ‘di niya makita ang sariling tatangkaing ma-interview ang kanyang ex-husband na si John Estrada.

Carmina, on the other hand, kung may dream interviewee siya, ito ay ang ABS-CBN lady boss na si Charo Santos-Concio. Charo has always fascinated her daw kasi. To the point na ina-idolize niya ito kasi hangang-hanga raw siya sa lahat ng nangyari sa buhay ng dating aktres. Naging artista nga naman si Charo, naging producer, including ng kanyang sariling produksiyon, Vision Films, hanggang marating nito ang rurok ng tagumpay bilang head of the country’s No. 1 network.

One thing more raw na labis niyang hinangaan ay ang pagiging cool nito, well, sa kanyang observation na kahit sa feeling niya ay difficult na circumstances.

At lalo na kung paanong nagkakaroon siya ng panahong maging ideal na ina sa kanyang dalawang anak na lalaki, mapagmahal na lola sa kanyang mga apo, at mabait na asawa. Yes, despite her tremendously busy schedule outside of her home.

On her manner of interviewing, Carmina said, sa start pa lamang ng interview ay pinapa-feel na niya sa kanyang interviewee na magsalita magsalita man ito ng di dapat, wala itong dapat alalahanin dahil poprotektahan niya ito bilang kasamahan sa hanapbuhay.

Last Saturday, Showbiz Inside Report (SIR) marked its first year anniversary. Na labas na ikinatutuwa ng grupo. Tuloy daw ay na-miss nila si Joey Marquez, their co-host sa SIR, dahil ‘‘kinailangan’’ nga nitong mag-excuse sa show because he is running for a congressional seat in Parañaque where formerly he was mayor for three straight terms.

On whether Joey will rejoin them in the show after the elections, win or lose, wala pa silang alam.

Anyways, to replace Joey, obviously tempora­rily lang as co-host nina Janice, Ogie, at Carmina, last Saturday, producers of SIR invited Zoren Legaspi.

No need to tell anyone who Zoren is in Carmina’s life.

It was to Zoren na na-assign ang interview kay Maja Salvador at sa ina nitong si Thelma (nee Andres). Panganay sa dalawang anak ni Thelma si Maja whose father is the late action star Ross Rival (real name: Rosauro Salvador), ang nakababatang kapatid ni Phillip Salvador.

Natural lang na na-sentro ang interview ni Zoren kay Maja ‘di lang tungkol sa relasyon bilang mag-ina kung hindi sa kasalukuyan nitong love life.

To his question daw kay Maja if she is happy with her current love life, Maja merely demurred daw. But as Zoren said, ang ‘di mabigkas ng labi ni Maja ay tiyak na siyang nilalaman ng kanyang puso.

Kay Janice natoka ang pag-interview sa mag-amang Rommel at Daniel Padilla. In the interview, inamin ni Rommel na, for a while, napabayaan niya ang anak na dahilan apparently kung bakit close na close sa ina (Karla Estrada) ang binatilyo.

Pinaka-interesting, well, para sa amin, ang interview na ginanap ni Carmina kina Piolo Pascual at trusted assistant na si Moi Bien, na, tulad ni Piolo, ay nag-aartista na rin ngayon. Kapuri-puri ang ginawa ng aktor to allow Moi to grow up as an individual without her totally abandoning her work bilang personal assistant ng aktor.

For that, we salute Piolo.

Ang SIR ay namamayagpag ’di lang sa networking sites kung hindi kinikilala rin ito bilang outstanding talk show. Proof is the award from the Golden Screen TV Awards, nakuha nila ang Outstanding Celebrity Talk Program award nung 2012.

The same award-giving body, likewise, chose Janice as Outstanding Female Showbiz Program Host of 2012.

vuukle comment

CARMINA

CARMINA VILLARROEL

CHARO

INTERVIEW

JANICE

KANYANG

MAJA

SHOWBIZ INSIDE REPORT

ZOREN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with