^

Pang Movies

‘Palayain si Heart’ – Sen. Miriam

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Si Senator Miriam Defensor-Santiago ang matchmaker nina Papa Chiz at Heart kaya may opinyon siya tungkol sa mga nangyayari sa controversial couple.

Simple lang ang payo ni Mama Miriam sa mga magulang ni Heart, ang palayain na nila ang kanilang 28-year-old daughter.

Nalulungkot si Mama Miriam dahil sa nakikita niya na pagrerebelde ni Heart sa mga magulang nito.

James first time nagbuhos ng hinanakit

Napanood ko sa TV noong Miyerkules ang interbyu kay James Yap at, in fairness to him, na-convince ako na totoo ang depensa niya laban sa mga bintang sa kanya ni Kris Aquino.

Hindi nga lang cinematic ang pag-iyak ni James pero feel na feel ko ang frustrations niya dahil hindi na sila magkakasama ng kanyang anak na si Bimby.

Sa totoo lang, marami ang bumilib kay James dahil marunong na siyang lumaban alang-alang sa kanyang anak.

First time ni James na nagbuhos ng hinanakit sa national tele­vision kaya pinakinggan ng sambayanang Pilipino ang kanyang mga hinaing at litanya.

Waiting ang lahat sa mga isasagot ni Kris sa mga kontra-depensa ni James.

Inaabangan ang pagsasalita ni Kris dahil baka may mga pasabog pa siya laban sa kanyang ex-husband na mahiyain at hindi niya kasing-articulate sa pagsasalita.

Problema ng magulang ni Heart may kinalaman sa bahay na gustong bilhin ng aktres

May nagkuwento sa akin na totoong sinusulsulan ni Senator Chiz Escudero ang kanyang girlfriend na si Heart Evangelista.

Sinusulsulan ni Papa Chiz na ituloy ni Heart ang plano nito na mag-aral dahil iba pa rin kapag may college degree ang isang tao, lalo na ang mga artista dahil hindi stable ang showbiz career.

Para sa ikabubuti ni Heart ang mga sulsol ni Papa Chiz kaya tiyak na ikinalulungkot nito ang mga paratang ng mga magulang ng aktres.

May kumakalat na balita na may mas malalim na dahilan ang tampu­han ni Heart at ng kanyang mga ma­gu­lang.

May kinalaman daw ang balak ni Heart na bumili ng bahay na milyun-milyon ang halaga na hindi yata pinaboran ng parents niya.

Open sa pagpapainterbyu sa media ang mga magulang ni Heart. Mas mainam kung sila ang maglilinaw sa isyu para maiwasan ang paglabas ng iba’t ibang version.

Nagsalita sina James at Papa Chiz na hindi na sila magsasalita tungkol sa mga kontrobersiya na puwedeng i-consider na maagang penitensiya nila.

Susubukan pa rin ng Startalk na kunin ang kanilang mga side dahil araw-araw, iba’t ibang isyu ang lumilitaw na kailangan ng mga kasagutan na sila lamang ang puwedeng magbigay-linaw.

vuukle comment

DAHIL

HEART

HEART EVANGELISTA

JAMES

JAMES YAP

KRIS AQUINO

MAMA MIRIAM

PAPA CHIZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with