^

Pang Movies

Problemado sa gulo ng pamilya Francine humihingi ng payo kung magpapalit ng apelyido

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa

Parang ang laki-laki ng problema ni Francine Prieto. Hinihingi niya ang opinyon ng kanyang mga kaibigan tungkol sa balak na pagpapalit ng family name. Ang feeling ni Francine, may curse o sumpa ang family name na Falcon dahil hindi ito ang kanyang tunay na apelyido. Ito ang emote ni Francine:

“Gusto kong ibalik sa Jensen last name ko dahil ‘yun naman talaga ang surname ng biodad ko. May birth certificate ako nun, kaso lahat ng docus ko Falcon na.

“Feeling ko kasi dark clouds sa buhay ko ‘yung Falcon, at once na mapalitan ng Jensen, mawawala ang curse at magliliwanag with match­ing rainbow pa. Hassle lang talaga.

“Dapat ko pa ba palitan last name ko ng Falcon (from stepdad) to Jensen (my original surname)? Hassle kasi sobra, iisa isahin kong pupuntahan mga SSS, NBI, passort etc. at ask ko anong pwedeng gawin.

“In short, paulit-ulit kong ikukuwento, anong case ko. Pasaway kasi parents ko, Day 1 pa lang ginulo na nila buhay ko. Imbes na maayos na sana papers, haaaaay. Hate na hate ko pa naman pumunta sa mga office ng gobyerno natin.”

May mga nag-advice kay Francine na huwag na siyang magpalit ng fa­mil­y name dahil mapapalitan ito kapag nag-asawa siya. Eh paano kung nagkataon na Falcon din ang apelyido ng kanyang future dyowa?

Derek na-late sa thanksgiving ng sariling manager

Napuyat yata si Derek Ramsay sa taping ng Kidlat kaya na-late siya nang dating kahapon sa thanksgiving party ni Jojie.

Nakaalis na ang maraming reporter nang umapir si Derek. Hindi ko na siya binati dahil dinumog na siya ng entertainment press na nag-interbyu sa kanya.

vuukle comment

DAPAT

DEREK

DEREK RAMSAY

FRANCINE

FRANCINE PRIETO

HINIHINGI

IMBES

JENSEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with