^

Pang Movies

Totohanan ang ginawa Kim at Maja, pasa-pasa sa kanilang sampalan!

- Vinia Vivar - Pang-masa

“I hate you! You ruined my life. Lahat-lahat na lang inagaw mo sa akin.”

Ito ang maaanghang na salitang binitawan ni Maja Salvador bago siya nagpakawala ng isang ma­lutong na sampal kay Kim Chiu para sa pina­ka­aabangang Gabi ng Pagpapakilala episode ng top-rating Kapamilya primetime family drama series na Ina, Kapatid, Anak.

Ipalalabas na ngayong Biyernes (Pebrero 15) sa Gabi ng Pagpapakilala episode na hindi lamang matutunghayan ng fans ng Ina, Kapatid, Anak ang engrandeng debut nina Celyn (Kim) at Margaux (Maja) kundi maging ang pormal na pagpapakilala sa publiko kay Celyn bilang bahagi ng pamilya Ma­rasigan.

Kung hindi kami nagka­ka­mali, ang nasabing sampalan ang kontrobersiyal na eksena na napabalitang tinotoo raw nina Maja at Kim.

Ayon pa sa balita, pasa-pasa raw ang dalawa pagkatapos ng eksena at umiyak pa si Kim at nag-walk out kaya na-pack up na ang taping.

Up to now ay wala pa tayong nari­rinig na paha­yag mula sa magkabilang kampo at maging sa production kaya hindi pa malaman kung ano ba talaga ang katotohanan sa nasa­bing balita.

Kris at Robin may gagawin na naman na ikakagalit ni Mariel!

Mukhang all’s well na between Robin Padilla and Mariel Rodriguez matapos ang kanilang kontrobersiyal din nilang pag-aaway last week.

Kahapon kasi ay nag-tweet pa si Mariel sa kanyang followers na patuloy pa rin sanang suportahan at panoorin ang teleserye ng mister na si Robin Padilla na Kailangan Ko’y Ikaw kahit bago na ang timeslot nito.

“At the end of the day, a wife will always support her husband so with this new timeslot I hope you all stay up and watch ‘Kailangan Ko’y Ikaw,” tweet ni Mariel.

KKI has been moved to a new timeslot kasi since last Monday. Kung dati ay pagkatapos ng Ina, Kapatid, Anak ito napapanood, ngayon ay pagkatapos na ng Apoy sa Dagat na nag-premiere last Monday at pinagbibidahan naman nina Angelica Panganiban, Diether Ocampo, at Piolo Pascual.

Ang Apoy sa Dagat na ang mapapanood after IKA followed by KKI.

‘Yun nga lang, hindi natin alam kung ga­nito pa rin ang tweet ni Mariel kapag may napanood na naman siyang love scene ng mister sa KKI.

Samantala, last Monday night ay nag-tweet si Kris Aquino at nagpapasalamat sa lahat ng te­leviewers na nanood last Monday sa bagong timeslot.      

Matatandaang iki­na­­­lung­kot ng Queen of All Media last week nang malaman niya na malilipat sa later timeslot ang KKI.

vuukle comment

ANAK

ANG APOY

ANGELICA PANGANIBAN

CELYN

INA

KAILANGAN KO

KAPATID

MARIEL

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with