^

Pang Movies

Kaya nagka-problema Sarah napadikit sa malas!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Hindi pa naman siguro masasabing iyon na ang katapusan ng career ng aktres na si Sarah Lahbati. Doon naman sa maikling panahon na lumalabas siya ay naipakita niya ang kanyang kakayahan bilang isang aktres, bukod doon nakita naman na kinakagat siya ng publiko. Ngayon nga lang nagkakaroon siya ng problema sa kanyang career.

Hindi na maganda ang samahan nila ng kanilang network simula nang diumano ay tumanggi si Sarah at ang ina nito na pumirma ng management contract sa ilalim ng ICONS Management ni Bebong Muñoz, na kakaltas pa sa kanyang kikitain ng karagdagang 15% bukod pa sa 25% na kaltas sa GMA Artist Center na nagpapatakbo ng kanyang career.

Noong una ay kinumbinsi pa si Sarah ng mga executive ng network na ibunyag kung anuman ang kanilang nalalaman dahil hindi raw kukunsintihin ng network ang ganoong sistema. Pero nang isigaw ni Sarah ang pangalan nina Arsi Baltazar ng GMA Artists Center na biglang nag-resign at pinalitan ng isang dating ABS-CBN man, at ang anak mismo ng chairman at chief executive officer ng GMA na si Annette Gozon-Abrogar, naiba na raw ang kuwento.

Natural, ano nga ba ang dapat asahan? Ngayon ay si Sarah pa ang nademanda ng libelo. Wise legal move ’yan para sa GMA dahil mapapatahimik na nila ang talent nila sa kung anumang maaari pang sabihin. Kung magsasalita pa kasi siya, magiging subjudice na iyon oras na pumasok na siya sa kaso. Maski ang media matatahimik na kasi wala nang source eh at iyon ang mas mahalaga para sa GMA. Dahil habang napag-uusapan ang mga pangyayari, tinatamaan din naman ang network nila.

Sa takbo ng mga pangyayari ngayon, si Sarah ang tagilid. Palagay namin habang may problema ay samantalahin na niya para mag-aral ulit o gumawa ng mga bagay para sa self-improvement at kung matapos na ang lahat at saka niya balikan ang kanyang career. Baka mas maging okay pa.

Pero natawa kami sa biruan kasi may nakatrabaho o nakasama raw si Sarah na taong may kaakibat na malas kaya nadamay siya sa kamalasan.  Sino naman ’yun?

Sharon kailangang maikorek ang problema sa career

Hindi na kami nagulat nang bigla na lang hindi lumabas ang TV show ni Sharon Cuneta. Ilang buwan na ang nakakaraan nang lumabas ang mga ganyang usapan. Siyempre mabilis na nagpalabas ng denial ang TV5, siguro nga noong mga panahong iyon ay hindi pa nila nasasabi sa Megastar kung ano ang kanilang mga plano.

Pero noon pa man, naniniwala na kaming may basehan kahit na paano ang blind item na iyon at iyon nga ang nangyari ngayon.

Pero dapat maging maingat na si Sharon ngayon sa kanyang susunod na show kung sakali. Siguro naman alam na niyang iyong kanyang unang show ay isang maling diskarte sa kanyang career at alam naman niya kung ano ang mali talaga. Sana ay mai-correct ang pagkakamaling iyon.

vuukle comment

ANNETTE GOZON-ABROGAR

ARSI BALTAZAR

ARTIST CENTER

ARTISTS CENTER

BEBONG MU

IYON

KANYANG

KUNG

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with