^

Pang Movies

Pakikipaghalikan kay John Lloyd ikokonsulta muna ni Sarah

- Vinia Vivar - Pang-masa

Last installment na ng John Lloyd Cruz-Sarah Geronimo movie ang It Takes a Man and a Woman na kasalukuyan nilang isinu-shoot ngayon. Ito bale ang part three sa mga kuwento na A Very Special Love at You Changed My Life.

Bilang huli na pala ito, natanong si Sarah kung this time ay may aasahan na ba ang kanyang fans na kissing scene mula sa kanila ni Loydie?

“’Yun po eh, hindi ko masasagot kung anong magiging... basta abangan na lang po natin.”

Pero keri na ba niya ang makipag-kissing scene if ever?

“Kailangan pong pag-usapan. Kailangan kong ikonsulta muna sa mga magulang ko at saka sa manager ko. Kung ito na ba talaga ang time para run. Kung ready na ba ang mga supporter ko o ready na ba ako,” she said.

Pero kung siya ang tatanungin, sa tingin ba niya ay nasa tamang panahon na para makipag-kissing scene siya?

“Parang half of my heart, ready na. Pero half of my heart, parang hindi pa.  Parang hindi ko pa makita ang sarili ko na nakikita ng lahat ng tao na nakikipag-kiss ako. Pero naniniwala naman po ako sa galing ng direktor namin (Cathy Garcia-Molina),” sagot niya.

Nang makumusta ang working relationship nila ni Loydie lalo pa nga’t may nagbago sa personal life ng aktor bilang boyfriend na ni Angelica Panganiban, say naman ni Sarah ay natutuwa nga siya for her leading man.

“Masaya ako na nakikita ko siya na iba ’yung glow niya at iba ’yung working relationship namin ngayon. Mas komportable. Siyempre, matagal ’di po kaming hindi nakapagtrabaho and para kaming barkada sa set,” sabi ng Pop Princess.

Ibinalita rin ni Sarah na may shooting sila ni Loydie sa New York para sa naturang pelikula at baka raw end of January ang alis nila.

Vice Ganda pagod na pagod na!

Ilang araw na hindi napanood si Vice Ganda sa noontime show na It’s Showtime kaya naman may mga espekulasyon agad na baka masama na naman ang loob niya.

Pero nang makatsikahan namin ang Phenomenal Box-Office Star, itinanggi niya ang espekulasyon.

“Hindi masama ang loob ko. Pagod ako, pagod ang katawan ko. Kaya nagpahinga ako,” sabi niya.

Dapat nga raw ay sa Monday pa siya magre-report sa It’s Showtime pero pinabalik na siya ng Saturday (yesterday) dahil wala rin si Anne Curtis.

Aminado naman si Vice Ganda na nagkakapikunan sila ng mga host ng It’s Showtime lalo pa nga’t matitindi ang kanilang biruan.

 â€œPero hindi personal at hindi lumalalim at hindi kami dumarating sa puntong nag-aaway-away. Normal lang naman siguro lalo na kami, ’pag nagbiruan, malalang biruan, hardcore. Biruan kami lalo na off-cam,” pagkukuwento pa niya.

Samantala, masayang-masaya si Vice Ganda sa success ng Sisterakas na movie nila nina Kris Aquino at AiAi delas Alas. Dahil nga sa lahat ng pelikula niya ay nagiging box-office at record-breaker sa takilya, may mga nagsasabi na siya na nga ang susunod na Comedy King o the next Dolphy.

Pero kung si Vice Ganda ang tatanungin, hindi siya pabor na tawaging next Comedy King.

“Hindi puwedeng mangyari ’yun. Ako na mismo ang magsasabi na hindi ako puwedeng maging Comedy King. Dahil si Mang Dolphy ang Comedy King. Walang puwedeng maging susunod na Mang Dolphy,” he stated.

Eh paano kung taumbayan na mismo ang nagsasabi at nagbibigay sa kanya ng nasabing title?

 Ako kasi bilang respeto na rin sa totoong Comedy King, kawawala lang… may bago na ulit pumalit sa kanya? At saka, hindi, there will only be one Mang Dolphy. Kahit pagbali-baligtarin man natin ang mundo, walang puwedeng sumunod na Mang Dolphy. Walang next Mang Dolphy.

 â€œAt kahit ako, ayoko ring maging next Mang Dolphy kasi mahirap ’yun. Why choose to be the next Mang Dolphy if you can be the first and last Vice Ganda?” sabi pa ng gay comedian.

Mas gugustuhin pa raw niya ang current title na idinidikit ngayon sa kanya na “Phenomenal” and “Unkabogable”.

vuukle comment

AKO

COMEDY KING

DOLPHY

LOYDIE

MANG DOLPHY

NIYA

PERO

VICE GANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with