^

Pang Movies

Sikat na hairstylist dedma sa pagkakasangkot sa pangit na isyu

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Nakakaloka ang mga paninira laban sa isang popular hairstylist na paborito ng mga sikat na artista.

Diumano, maraming utang na nagkakahalaga ng mil­yung-milyong piso ang kilalang personalidad at ang mga dating kaibigan niya ang source ng mga balita. Hindi maiwasan na hindi mabanggit ang pangalan ng mga artista na kliyente ng hairstylist dahil high profile ito.

In fairness sa hairstylist, dedma siya as in hindi niya sinasagot ang mga paninira sa kanyang pagkatao. Mas affected pa nga ang mga celebrity client niya na hindi makapaniwala na masasangkot siya sa isang pangit na isyu.

Away nina Solenn at Sarah kaabang-abang

Na-link noon si Solenn Heussaff kay Richard Gu­tier­rez pero hindi siya pinagselosan ni Sarah Lahbati, ang current girlfriend ng aktor.

Magkasama ang tatlo sa bagong pelikula ng Regal En­­tertainment, Inc., ang Seduction. May isang eksena sa pelikula na nag-away sina Sarah at Solenn. Ang sabi ng di­rektor na si Peque Gallaga, kaabang-abang at kakaiba ang fight scene nina Sarah at Solenn. Ang away ng dalawa ang isa sa mga highlight ng Seduction.                              

Aktres nakipagtsugihan sa singer na hindi kaguwapuhan, hindi kuntento sa BF

Napanood ko na naman kahapon sa TV ang aktres na nagparetoke ng ilong. Nagbago ang hitsura ng aktres mula nang magpatsugi ng ilong pero mas maganda siya noon kesa ngayon.

May kalandian na taglay sa katawan ang aktres dahil hindi siya kuntento sa kanyang boyfriend. Ba­litang-balita na nakipagtsugihan ang aktres sa isang singer na hindi naman kaguwapuhan at wala sa ka­ling­kingan ng boyfriend niya.

Shocked ang mga sak­­si sa sweetness ng aktres at ng male singer dahil hin­di nila akalain na hindi faithful girlfriend ang hitad.

Belo at Ejercito nanguna sa pagpapa-party

Sunod-sunod ang mga Christmas party ng mga TV network sa linggong ito. Bukas ang Christmas party ng ABS-CBN para sa entertainment press.

Sa Miyerkules naman ang Christmas party ng TV5 at next week, Dec. 13, ang GMA 7 naman ang magpapasaya sa mga member ng showbiz media.

Buena mano sa mga Christmas party ang mag-inang Dr. Vicki Belo at Cristalle Henares dahil sila ang unang namahagi ng kaligayahan sa mga reporter. Sumunod si Congressman JV Ejercito na namigay ng mga iPad at cell phone sa Christmas party niya noong Biyernes.

vuukle comment

CRISTALLE HENARES

DR. VICKI BELO

EJERCITO

PEQUE GALLAGA

REGAL EN

SHY

SOLENN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with