^

Pang Movies

Pagpapa-sexy ng anak ni mega wala nang urungan!

ISYU AT BANAT - Pang-masa

Kagaya nga nang inaasahan, nang magkaroon naman siya ng pagkakataon, si KC Concepcion naman ang dumepensa sa ina niyang si Sharon Cuneta. Marami nga kasi ang nagsasabing hindi na dapat pinatulan ng Megastar ang mga basher ni KC sa Internet. Pero kagaya nga ng sinabi ni KC mismo, ang nanay niya ay nagpapaka-totoo lang. Sabihin na natin na si Sharon nga kasi kahit na noon ay hindi nakikipag-plastikan.

Kung ano ang nadarama niya, sinasabi niya. Hindi rin naman nagsisinungaling si Sharon. Kung ano ang alam niyang totoo ay iyon ang kanyang si­na­sabi. Kaya kung ayaw niyang mabunyag iyon hindi na lang siya nagsasalita. Sinasabi nga niyang mas mabuti pang huwag kumibo kesa sa magsinungaling.

Kami mismo, naniniwala kami sa katotohanang ’yan.

Mabaling naman tayo kay KC. Kahit na sino’ng makakakita ng mga picture niya, lalo na iyong ipinakita sa latest endorsements niya, nag­­sasabing napaka-ganda at napaka-sexy ng baby ni Sharon. Ang ginagawa niya nga­yon, ’yun ang hindi nakayanan ni Sharon noong araw kasi kung ginawa nila iyon dati baka kung anong rebolusyon ang umabot sa kanila. Hindi papayag si Mayor Pablo Cuneta sa ganun.

Ewan ha, okay naman nga ang mga pictorial ni KC at maganda naman siya, kaya lang palagay namin ang aming pananaw ay parang si Mayor. Parang ayaw naming makitang ganyan si KC. Noong araw kasi ay bold stars lang ang gumagawa ng sexy pictorials.

Pero wala nang magagawa eh. Sa simula pa lang mali na ang diskarte eh. Noong pina­yagan siyang mag-swimsuit para sa billboard ng isang garment manufacturer, sabi nga namin mali na. The end na. Pagkatapos ay na-link pa kay Piolo Pascual, lalong wala na. Kaya ngayon kung ganyan ang kanyang mga pictorial at masabing tanggap na nga siya bilang isang sexy star din, masasabi nating remedial measure na lang ’yan.

Obligado na silang ituloy iyon dahil iyon na nga ang nagiging image ni KC.

Ang pagpapa-sexy kasi ay irreversible ang effect. Mas matindi pa sa desisyon ng Korte Suprema na kung minsan nababaliktad pa.

Carmina at Zoren may marriage license nang hawak

Ngayon masasabi nga nating tunay na mag-asawa na sina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi. Hindi naman kailangang maging magastos at mahirap ang kasal. Puwede ngang magpakasal kahit na libre eh.

Certification lang naman ng barangay ang kailangan para makakuha ng marriage license, ’tapos maaari nang ikasal. Walang paring tatanggi basta sinabi mong gusto mong magpakasal dahil iyon ay isang sakramento na kulang sa iyong buhay, kahit na nga wala kang pambayad.

Hindi rin tama iyong basta nagsama lang sa isang kama, mag-asawa na.

vuukle comment

CARMINA VILLAROEL

KAYA

KORTE SUPREMA

KUNG

LANG

MAYOR PABLO CUNETA

NAMAN

NOONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with