^

Punto Mo

Maid of Honor (94)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“MAS mabuti kung kay Ate Bianca muna natin sabihin ang tungkol sa itinago mong pera, Inah,’’ sabi ni Yana.

“Sige Yana. Ikaw ang bahala.’’

“Pero matatandaan mo ba kung saan mo itinago ang pera?’’

“Oo. Tandang-tanda ko.’’

“Saan yun?’’

“Sa isa sa mga room ng KTV na pinagsayawan ko. May isang room dun na walang ibang nakakapasok kundi ang Big Boss ng sindikato at ako.’’

“Bakit isa ka sa pinagkatiwalaan?’’

“Malaki ang gusto sa akin ng Chinese. At ako naman ay nagkukunwari na gusto rin siya. Akala niya gusto ko siya.

Kaya ako nagkukunwari ay para mapaniwala siya na kakampi ako ng sindikato. Hindi niya alam na ginagawa ko yun para makatakas.’’

“Natatakot ako sa maaring mangyari, Inah. Kaya pala gusto kang makita ng sindikato ay dahil sa pera. Kailangan talagang makuha na ang pera at nang maipagkaloob na sa maykapangyarihan.’’

Maya-maya, dumating na si Bianca.

Sinabi ni Yana ang tungkol sa pera. Naguluhan si Bianca.

“Anong pera yun?’’

Sinabi ni Yana.

Tahimik lang si Inah. (Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with