Draw court ng jueteng ni Ka Nemo, nasunog!

FLASH Report: Nasunog ang draw court ng jueteng ni Ka Nemo. Sumiklab ang sunog sa draw court na matatagpuan sa Bgy. Sipe, Daraga, Albay ng bandang 7 a.m. kahapon. Mukhang hindi nakabola ng umagang draw ang jueteng ni Ka Nemo dahil sa sunog. Ang tanong sa ngayon, saan na kukuha ng winning combinations ang jueteng ni Ka Nemo? Dipugaaaaa! Kuwarta na ngani, naging bato pa.

•••••

UMAABOT sa P77 milyong halaga ng illegal na sigarilyo ang nakumpiska sa isinagawang raid ng pulis at military sa Lanao del Sur. Ang raid na isinagawa sa tatlong warehouse sa tabing dagat sa Bgy. Liyangan sa bayan ng Picong ay nagbunga rin sa pagkaaresto ng 21 katao, lima dito minors. “We continue to be relentless in this campaign to send a strong message that this illegal activity has no place in any part of the country,” ayon kay PNP chief Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez Jr. Sinabi ni Nartatez, malaking bagay ang anti-smuggling operation dahil hindi lamang ito usapin ng pagpatupad ng batas. “Pinoprotektahan din natin ang kabuhayan ng mga lehitimong negosyante at ang kita ng pamahalaan na dapat mapunta sa mga serbisyong kailangan ng ating mga kababayan,” ang giit pa ni Nartatez. Dipugaaaaa!

 Binigyan-diin ni Nartatez na ang lahat ng anti-smuggling operations ay intelligence driven at alinsunod sa rule of law. Sa nasabing operation, nakumpiska ang 1,800 master cases ng sigarilyong Berlin, Canoon, Fort, Greenhill, Basque at Modern. Malakas ang paniniwala ng awtoridad na ang shipment ay galing sa ibang bansa. Ayon sa report na nakarating kay PNP spokesman Col. Allen Rae Co, ang tatlong warehouse ay matatagpuan sa vacant lot na pag-aari ng isang Boss Anggul/Tausug. Ang limang menor-de-edad ay isinailalim sa custody ng DSWD samantalang ang mga kasama ay nasa pangangalaga ng pulisya sa BARMM. Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

Ayon kay Nartatez, may apat na pangalan na lumutang na nasa likod ng nakumpiskang shipment. Kasama sa nakumpiska ay ang isang M14 rifle at inaalam pa kung sino ang may-ari nito para makasuhan, kabilang na ang apat katao na binanggit sa tactical interrogation ng pulisya. Teka, teka! May papel pa sa raid ang Philippine Army dahil sila ang nag-secure ng tatlong warehouse para bantayan ang mga ebidensiya. Ayon kay Nartatez, magpapatuloy ang koordinasyon ng PNP sa mga partner agencies upang malipol na ang smuggling ng sigarilyo. “Gagawin natin ito nang propesyonal, may paggalang sa karapatan ng bawat isa, at walang puwang ang sinuman na nais samantalahin ang ating mga batas,” aniya. Abangan!­

Show comments