Simpleng paraan para sa kalusugan ng katawan
Pampaganda ng ‘mood’
• Cold shower: nagpapaalerto ng isipan, nagpapaganda ng “mood” at pinipigilang mamaga ang mga kalamnan.
• Inhale 4 seconds; pigilan ang paghinga ng 7 seconds; saka mag-exhale ng 8 seconds. Nagpapakalma ng kalooban at nagpapababa ng mataas na blood pressure.
• Ngumiti kahit fake na ngiti. Magiging tunay din yun sa katagalan.
Pampahimbing ng tulog
• Mag-warm shower isang oras bago matulog. Mainam itong magpaantok.
Pampasigla at maging focus sa mga ginagawa
• Uminom ng tubig pagkagising.
• Ngumuya ng mint gum. Nagpapatalas ito ng isipan at memorya.
• Umidlip ng 10 to 20 minutes.
Para sa mabuting sirkulasyon ng dugo patungo sa puso
• Itaas ang legs sa dinding habang nakahiga upang gumanda ang daloy ng dugo at maiwasan ang pamamaga ng legs at ugat nito.
• Ilublob ang kamay sa tubig na malamig o may yelo. Nakakatanggal ng stress at panic attack.
Nakababawas ng katakawan
• Singhutin ang amoy ng peppermint at vanilla. Nakakabawas ng gana sa pagkain at gana sa matatamis na pagkain.
• Uminom agad ng isang basong tubig bago mag-umpisang kumain upang mabusog ka kaagad at kaunti na lang ang makain.
- Latest