^

Punto Mo

EDITORYAL - Namamatay sa road accidents, ­dumarami

Pang-masa
EDITORYAL - Namamatay sa road accidents, ­dumarami

NOONG Lunes, kalunus-lunos ang sinapit ng isang lalaking vendor sa Pamplona, Camarines Sur nang mabangga siya ng isang humahagibis na van. Naglalako ng puto ang 41-anyos na vendor sakay ng kanyang motorsiklo nang mabangga. Tumilapon ang biktima. Ayon sa mga pulis, nakatulog ang drayber ng van kaya nabangga ang vendor. Sinampahan na ng kaso ang drayber.

Sa ulat ng Department of Health (DOH), 12,000 Pilipino ang namamatay taun-taon dahil sa aksidente sa kalsada. Ayon sa DOH, mula 2011 hanggang 2024. tumaas ng 39 percent ang mga namamatay sa road accidents.

Karaniwang dahilan ng road accidents ay bumabangga ang sasakyan at may mga nasasagasaang pedestrians. May mga bus o truck na nahuhulog sa bangin na ikinamamatay ng mga sakay nito. May mga kabahayan na inaararo ng truck na nawalan ng preno at maraming namamatay na kinabibilangan ng mga bata.

Sa report naman ng World Health Organizations (WHO), 1.3 milyong katao ang namamatay taun-taon sa buong mundo dahil sa aksidente sa kalsada. Iniulat na ang mga malalagim na road accidents ay dahil sa kawalan ng disiplina at kapabayaan ng drayber na nagpatuloy na nagmaneho kahit nalalaman nilang may depekto ang sasakyan. Mayroong nagmaneho na nasa impluwensiya ng alak at mayroong nagmaneho kahit inaantok o may karamdaman. Bukod sa mga naaaksidenteng bus, truck, taxi at kotse, marami ring motorcycle rider ang namatay dahil sa aksidente.

Sa report ng Land Transportation Office (LTO), tinatayang 24.7 milyong sasakyan ang hindi ­rehistrado at patuloy na yumayaot sa mga kalsada sa ­kasalukuyan. Sabi ni LTO chief Vigor Mendoza II, pinaiigting na nila ang paghuli sa mga hindi rehistradong sasakyan at ipinatutupad ang “no registration, no travel” policy.

Nalalagay sa panganib ang mga pasahero at pedestrians kapag naaksidente ang mga hindi rehistradong sasakyan. Paano hahabulin ng mga kaanak ang nakadisgrasyang sasakyan kung hindi rehistrado?

Nararapat namang isulong ng LTO ang pag-educate sa mga kukuha ng driver’s license para hindi sila maging mitsa ng mga aksidente sa kalsada. Marami ang nakakakuha ng lisensiya kahit walang kamuwangan sa mga batas-trapiko. Maraming baguhang drayber ang hindi alam ang road signs. Mayroong nag-oovertake sa maling lane. Ipatupad ng LTO ang paghihigpit sa pagkuha ng lisensiya. Bantayan ang mga korap sa ahensiya na nakapag-iisyu ng lisensiya kapalit ng pera. Iligtas ang mamamayan sa malalagim na aksidente sa kalsada.

vuukle comment

ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with