^

Punto Mo

EDITORYAL - Hihintayin pa bang may mamatay?

Pang-masa
EDITORYAL - Hihintayin pa bang may mamatay?

NOONG Marso 5, binangga at binomba ng tubig ng China Coast Guard ang resupply vessel ng Pili­pinas na nagresulta sa pagkabasag ng windshield at nasaktan ang military general at apat na tauhan nito. Noong nakaraang Sabado (Marso 23) binomba muli ng CCG ang resupply vessel Unaizah May 4 at hindi lamang nawasak ang barko kundi nasaktan pa ang mga Pinoy crew nito. Sa sobrang lakas ng tubig, nasugatan sa braso, mukha at katawan ang mga crew. Sa video na kuha mismo sa loob ng Unaizah, dinig na dinig ang pakiusap at pagdarasal ng crew, “Lord itigil na po sana”. Inilarawan ng mga crew ng Unaizah na sobrang lakas ng pressure ng tubig na maikukumpara sa signal number 13.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), nagsagawa pa ng mapanganib na maniobra ang isang barko ng CCG at muntik nang mabangga ang UM4. Habang binobomba ng tubig ang UM4, ang escort nilang PCG vessel MRRV 4409 ay hinarang at pinalibutan ng isang CCG vessel at dalawang Chinese militia ships. Ganunman, naihatid pa rin ng UM4 ang supply sa mga sundalo sa BRP Sierra Madre.

Pero hindi ganito ang sinabi ng China. Ang mga barko raw ng Pilipinas ang illegal na pumasok sa kani­lang teritoryo at nararapat lamang daw ang ginawang pag­­bomba ng tubig. Ayon sa spokesman ng CCG na si Gan Yu, gu­magawa raw ng “irregular mission” ang mga barko. Nagdadala raw ng construction materials sa BRP Sierra­ Madre. Inakusahan ni Gan ang Pilipinas nang sapilitang pagpasok sa shoal sa kabila ng kanilang babala. Ginawa raw nila ang pagbomba ng tubig sa makatwiran at propesyunal na pamamaraan.

Ang Pilipinas pa ngayon ang inaakusahang illegal na pumapasok sa kanila raw teritoryo. Sa tuwing bobom­bahin nila ng tubig ang resupply boat ng Pilipinas, laging sinasabi ng China na may dalang construction materials ang barko. Matagal na nilang alibi ito. Paulit-ulit ang kanilang kasinungalingan.

Hindi na umuubra ang paghahain ng diplomatic protest sa China. Sayang lang ang ginagawang ito. Dapat mag-isip ng ibang strategy ang pamahalaan kung paano lalabanan ang China. Baguhin ang pakikitungo sa bansang sagad na ang kakapalan ng mukha.

Dalawa ang maaring gawin: una, pauwiin na ang ambassador ng China sa Pilipinas at ganundin ang ambassador ng Pilipinas sa China. Ano pa ang silbi ng ambassador ng Pilipinas sa ginagawang kawalanghiyaan ng China.

Ikalawang magagawa, iboykot ang lahat ng mga pro­dukto ng China. Sa mga paraang ito, mararamdaman ng China ang paglaban ng Pilipinas. Gawin ito bago pa may mamatay na sundalong Pilipino sa ginagawang pag-water cannon ng China.

vuukle comment

CHINA COAST GUARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with