^

Punto Mo

Digong at Robin, maraming salamat sa pagmumulat!

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

MALAKI ang naging kontribusyon nina dating President Rodrigo Duterte at Sen. Robinhod Padilla sa pamumulitika at katarungan sa ating bansa. Dapat na pasalamatan natin ang pagmumulat nila sa atin.

Pagkalugso ng pagtitiwala sa mga sikat na kandidato ang maaring maging bunga ng mapurol na performances ng mga nakaupong artista sa Senado ngayon dahil sa ginagawa ni Robin. Nadamay tuloy sina Lito Lapid, Jinggoy Estrada at Bong Revilla.

Ang pagkakalubog natin sa utang at ang mapurol na kaisipan sa bulwagan ng Senado ay naging malaking aral sa mga botanteng Pilipino upang magsuri bago pa bumotong muli sa mga darating pang eleksyon.

Hanggang ngayon, bakas pa rin ang kabarumbaduhan ni Digong na hinangaan at ibinoto ng mamamayan noong 2016 na nagpalubog sa bansa sa kumunoy ng pagkakautang.

Naging mapurol din ang ngipin ng hustisya sa likod ng tapang ni Digong na kinaya nitong brasuhin ang kapangyarihan ng mga law enforcement division ng DOJ, AFP at PNP nang walang pag-aalinlangan.

Malaking leksiyon ang ibinigay nina Digong at Robin na dapat nating pasalamatan dahil kaya pa itong ituwid ng susunod na henerasyon.

Sa mga artistang dapat nating hangaan ay pawang sina Gov. Dan Fernando, Pasig City Mayor Vico Sotto at former Batangas Gov. Vilma Santos lamang ang naging markado ang kagalingan. May utak na, may puso pa!

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with