^

Punto Mo

Kompanya sa South Korea, nagbibigay ng bonus sa mga empleyado na magkakaroon ng anak!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG construction company sa South Korea ang nagbibigay ng incentive bonus sa kanilang mga empleyado na magkakaroon ng baby!

Inanunsiyo kamakailan ng kompanyang Booyoung Group na babayaran nila ang kanilang mga empleyado ng100 million won (katumbas ng P4.2 milyon) kung magkakaroon ito ng baby.

Malaking issue ngayon sa South Korea ang napakababang birth rate sa kanilang bansa. Dahil kumakaunti na ang pinapanganak na sanggol sa South Korea inaasahan na 40 million na lamang ang kanilang populasyon pagsapit ng taon 2069.

Sa huling datos na inilabas ng Korean Statistical Information Service, lalong bumaba sa 0.72 ang fertility rate ng South Korea. Ang fertility rate ay tumutukoy sa potensiyal na bilang ng mga anak na inaasahang ipanganak ng bawat adult na babae. Halimbawa, kung ang fertility rate ng isang bansa ay 2, inaasahan na magkaroon ang bawat babae sa bansang iyon ng average na dalawang anak.

Sa 0.72 fertility rate ng South Korea, nangangahulugan na hindi magkakaroon ng anak ang karamihan sa kanilang kasalukuyang adult female population. Isa sa katibayan na bumababa ang populasyon sa South Korea ay ang pagsasara ng maraming elementary school dahil kaunti na lamang ang batang mag-aaral.

Dahil dito, naisipan ng Booyoung Group na magbigay ng incentive bonus para makatulong ang kanilang kompanya sa bumababang populasyon ng kanilang bansa.

Sa kasalukuyan, nakapagbigay na sila ng 7 billion won para sa mga empleyado na nagkaroon ng baby noong 2021 hanggang 2023.

vuukle comment

SOUTH KOREA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with