^

Punto Mo

Quiboloy, maghahatid ng gulo?

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

PINAGDIINAN ni Pastor Apollo C. Quiboloy na hindi siya susuko sa kamay ng batas sa bisa ng warrant of arrest na pinalabas ng US Federal Court na isisilbi naman ng Federal Bureau of Investigation (FBI) at Central Intelligence Agency (CIA) dahil papatayin daw siya ng mga ito. Mapapahiya si Judas ngayon!

Pangungunahan pa ­diumano ni Quiboloy ang pakikipaglaban at pagpapabagsak sa gobyerno ni Pres. Bongbong Marcos kung sakaling magigipit na siya nang tuluyan. Maitatayo kayang muli ni Quiboloy ang gobyerno sa loob ng tatlong araw? Wheew!

Maraming matalinghagang akusasyon si Quiboloy laban sa first couple na mistulang buong imahinasyon ng isang taong mapagdudang tulad ni Tomas. Saan kayang kingdom naganap ‘yung orgy na sinasabi ni Quiboloy? Siguradong hindi langit ang nasilip ni Quiboloy. Ano hula n’yo?

Aabot daw sa pitong milyon ang miyembrong botante ng sekta ni PACQ kaya daw walang tumulong na senador kay Sen. Risa Hontiveros sa pag-iimbestiga sa kaso nito. Nagkataon na 7 is the number of God and the number of Senate position is also 7. Nagtugma ba o impersonate lang? Hhhmmmn!

Sapin-sapin ang problema ni Quibuloy mula sa kasong hinaharap sa US at usapin sa Senado ng child trafficking at rape. Dagdag pa ang usapin sa kongreso hinggil sa maaring magpasarado sa SMNI Radio and TV networks,. aba’y maari diumanong hinalain ng mga tao na hindi ito ang Appointed Son of God na magiging tagapagligtas. Maghahatid ng gulo eh!

vuukle comment

APOLLO QUIBOLOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with