^

Punto Mo

MM Top 1 sa may malalang trapik

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Ayan na nga, lumabas sa isang pag-aaral na ang Metro Manila ang nangunguna sa may pinakamalalang problema sa trapik sa buong mundo sa taong 2023.

Hindi naman sinasang-ayunan siyempre at pinalagan pa nga ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang naturang ulat.

Pero sa mga apektadong motorista na siyang nakakaramdan sa kalbaryo nang masikip ng trapiko, eh sumasang-ayon dito.

Base sa 2023 Tomtom Traffic Index report, lumabas sa pag-aaral na pinagbatayan dito na aabutin umano ng 25 minuto at 30 segundo ang biyahe sa 10 kilometrong lansangan sa Metro Manila. Sinasabing 50 segundo itong bumagal kumpara sa nakalipas na rekord nito.

Ang Tomtom ay isang multi-national traffic analyst na base nga sa inilabas nilang datos, Top 1 ang MM sa listahan ng may 387 metro centers sa buong mundo kung saan naungusan nito ang Lima, Peru; Bengaluru, India; Sapporo, Japan; at Bogota, Colombia.

Bagama’t pinapalagan nga ito ng MMDA, aminado naman ang ahensya na lagpas na ang mga sasakyan sa kapasidad ng mga lansangan sa NCR, partikular nga sa kahabaan ng EDSA.

Ayon naman sa maraming motorista, tila mas malala ang trapik ngayon kumpara noong bago magpandemya.

Sinabi pa ni MMDA Acting General Manager Don Artes, na ang paraan ng TTI na pinagbatayan ay kuwestiyunable para husgahan na ang numero uno ay Metro Manila sa may matinding problema sa trapik.

Gumamit lang anya ito ng GPS kaya nasabi na may mabagal na daloy ng sasakyan.

Kahit pa naman sabihin na hindi top 1 sa trapik ang MM, dapar na aminin na may malalang trapik talaga dito partikular nga sa kahabaa ng EDSA.

Marahil ang dapat na gawin ay umiisip ng mga pamamaraan para ito masolusyunan, dahil hindi lang ito abala sa paglalakabay ng mga motorista, kundi dagdag gastos din sa kanilang gamit na petrolyo.

Hindi lang yan, hindi nga ba’t sa mga nakalipas ding pag-aaral, milyun-milyon ang nawawala sa kaban ng bayan ng dahil sa malalang sitwasyon ng trapiko.

Dapat ding mawalis ang lahat ng sagabal, na isa rin sa dahilan sa pagbagal sa daloy ng trapiko.

Dapat magkaroon ng ‘political will’ para ito maipatupad at maipagtagumpay.

Hindi kailangan ang puro dada lamang, dapat masamahan ng kaukulang paggawa.

vuukle comment

METRO MANILA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with