^

Punto Mo

Life hacks

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

• Kapag ang bata ay nadapa at nasaktan, iwasan ang lumang taktika sa pagsasabing: Okey lang ‘yan! Don’t cry. Duwag lang ang umiiyak. Paano magiging okey kung nasaktan ang bata? Sa puntong ito, tinuturuan mo siya na maging ipokrita at takasan ang totoo niyang nararamdaman. Okey na damhin ang sakit at iluha ito. Sa ganitong paraan, mas  magiging matatag ang kanyang pagkatao.

• Sa mga lalaki, kapag inihatid mo ang isang babae sa kanilang bahay, hintayin mo munang makapasok siya sa bahay at salubungin ng kanyang magulang, bago ka umalis.

• Kung ikaw ang pinuno ng kompanya o anumang orga­nisasyon, iwasang magmura sa tauhan. Ang taong minura ay nakakaranas ng stress at anxiety. Ito ang dalawang sangkap para tumaas ang blood pressure. Gugustuhin mo bang maging sakitin ang iyong empleyado na makakaapekto ng kanilang productivity?

• Kahit  hindi ka nasarapan sa iyong inorder na pagkain, pero maganda ang serbisyo ng waiter, magbigay ka pa rin ng tip. Hindi naman siya ang nagluto ng iyong kinain.

• Huwag mahiyang umutot. Pasingawin ito kung kinakailangan. Siguraduhin lang na naka-silent mode ang iyong utot. Kung marami kayo sa room, lahat kayo ay magiging suspect. Nakakababa ng high blood pressure ang pag-utot at marami pang health benefits.

• Nag-iisip ka ng isasagot sa isang katanungan o sa isang Math problem? Humiga. Mas mabilis ang iyong thought process kapag nakahiga. Ito ang dahilan kung bakit pinahihiga ng psychiatrist ang kanyang pasyente kapag may itinatanong siya.

• May hinahanap ka? Pagalawin mo ang iyong mata mula right patungo sa left. Mas mabilis mong makikita ang iyong hinahanap dahil hindi bihasa ang mata sa ganoon galaw. Sanay ang ating mata na nagsisimula sa left patungo sa right kapag nagbabasa. Dahil sanay sa ganoong galaw, hindi na nakikita ang kakaiba.

• Kung agad kang nakakatulog after five minutes na humiga ka, senyales ito na kulang ka sa tulog.

 

LIFE HACKS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with