^

Punto Mo

Ligtas inumin: Tubig sa gripo o mineral water?

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

MATAGAL nang malaganap ang bottled water na may iba’t ibang klase tulad ng mineral, spring, sparkling, distilled, at  purified. Maaasahan ang mga ito kahit anong oras o saanmang lugar na walang maiinumang malinis at ligtas na tubig at abot-kaya ng bulsa. Nadadala kahit saan at kahit kailan. Nabibili sa mga sari-sari store, supermarket, convenience store, grocery, botika, water station, mga bus at jeepney terminal, restawran, food court, karinderya,  mga bangketa at kahit sa mga kalsada na merong naglalako ng bottled water.

Regular na kagamitan na sa maraming opisina, establisimento, ospital, eskuwelahan, klinika, ahensiya o institusyon ang mga water dispenser at marami na ring mga kabahayan ang meron nito. Itinuturing na ngang isa na sa pinakasikat na inumin sa buong mundo ang bottled water.

Gayunman, meron ding mga lugar sa bansa at kahit sa ibang panig ng mundo ang hindi nasusuplayan ng linya ng malinis na tubig sa gripo. Iyong tap water na maiinom ng lahat ng tao kahit kailan na inilalaan ng mga pamahalaan para sa buong publiko. Ang kakulangang ito ang isa sa mga dahilan kaya naging malaganap ang bottled water.

Kaugnay nito, isang report ng United Nations University Institute for Water, Environment and Health (UNU-INWEH) na lumabas sa Popular Science ang nagpahayag ng pagkabahala na ang malawakang pagkonsumo ng bottled water ay maaaring nakaaapekto nang masama at nakakapagpabagal sa mga proseso ng pamumuhunan at pagsisikap ng mga pamahalaan na masuplayan ng malinis na maiinom na tubig mula sa gripo ang higit pang mas maraming ­mamamayan at mas marami pang lugar sa mundo.

Pinuna pa sa report na ang mga bottled water ay maaaring nagtataguyod ng kawalan ng tiwala sa tubig na nagmumula sa gripo at pananaw na hindi ito malinis kahit na ligtas namang inumin ang galing sa gripo. Nagiging mahalaga nang napagkukunan ng ligtas na inuming tubig sa maraming lugar ang bottled water dahil sa kawalan ng sapat na public water supply system.

Sinabi pa sa report na dapat hamunin ang idea na mas ligtas ang bottled water kaysa galing sa gripo. Ipinunto pa sa report na maaaring makompromiso ang kalidad ng tubig sa bote sa pinanggagalingan ng tubig nito o sa dinadaanan nitong proseso. Hindi rin garantiya halimbawa na ang mga ibinebentang mineral o spring water ay walang taglay na Cryptosporidium (Crypto) parasites na second highest cause of reported waterborne disease outbreaks in 2015.

Sa buong mundo, mas merong regulasyon at namomonitor ang tubig mula sa gripo. Ang mga bottled water ay kulang sa sampling at walang obligasyon na isiwalat ang impormasyon hinggil sa laman nito o ang mga proseso sa paggawa nito.

Sabagay, may punto ang report. Minsan nga, sa isang establisimento na naantala ang inorder na mineral water, merong nagbiro na nagkabit ng paskel na may nakasulat na “funeral water” sa basyong galon ng tubig sa water dispenser na ibig sabihin ay nagmula lang sa gripo ang lamang tubig nito. Parang ang pahiwatig ay masamang inumin ang galing sa gripo.

Nadiskubre ko rin minsan nang hindi sinasadya sa isang maliit na kainan na tubig mula sa gripo lang ang nasa water dispenser nila. Kailangan pa talaga nilang magpanggap kahit ligtas namang inumin ang tubig mula sa gripo. Batay nga sa report, ang popularidad ng bottled water ay lumilikha ng panlahatang paniniwala na delikadong inumin ang galing sa gripo.

-oooooo-

Email: [email protected]

vuukle comment

TUBIG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with