^

Punto Mo

Wheelchair (97)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NANG mag-alas otso ng gabi, narinig ni Tito Mon ang mahinang katok sa pinto at ang pagtawag ni Jong. Naka­hinga nang maluwag si Tito Mon.

Tinungo niya ang pinto at binuksan.

“Ginabi ka na naman, Jong. Kanina pa ako nag-aalala sa iyo.’’

“Tinapos na po namin ang requirements para makasama sa graduation next month, Tito. Last na ngayon. Mahigpit po kasi ang eskuwelahan at lahat nang estudyanteng magta­tapos ay kailangang kumpleto ang requirements. Hindi pipir­mahan ang mga papers.’’

“Ibig sabihin hindi ka na gagabihin sa pag-uwi simula bukas?’’

“Opo Tito.’’

“Mabuti naman. Nag-aalala kasi ako dahil paborito ka pa naman ng mga holdaper. Kahit na marunong ka ng self defense ay hindi rin dapat maging kumpiyansa. Paano kung may baril ang holdaper? Maraming kriminal ngayon.’’

“Nag-iingat po ako Tito. Bukas, maaga na akong uuwi.’’

“E si Pam, ginagabi rin?’’

“Opo, sabay kaming umuuwi.’’

“Inihahatid mo ba siya?’’

“Kanina po hindi dahil sabi ni Pam, kaya na niyang umuwing mag-isa. Baka raw po gabihin din ako kaya hindi na nagpahatid.’’

Napatango na lang si Tito Mon.

 

KINABUKASAN, makaraang umalis si Jong patungo sa school ay naghanda na si Tito Mon para mamalimos.

Nilagyan niya ng benda ang hita at binti para magmukhang putol. Nanghihinayang siya sa kikitain kaya ipag­papatuloy niya ang pamamalimos hanggang sa kumita nang sapat para sa graduation ni Jong sa susunod na buwan. Pagka-graduate ni Jong at makapagtrabaho, tigil na talaga siya sa pamamalimos.

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with