^

Punto Mo

Pulis na gambling lord, tatargetin ni BBM!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

PALALAWAKIN ni incoming President Bongbong Marcos ang kampanya sa paglinis sa hanay ng Philippine National Police (PNP) na inumpisahan ni President Digong. Subalit kung si President Digong ang main target ay ang mga pulis na sangkot sa droga, si BBM naman ay hahabulin ang mga pulis na gambling lords.

Kung sabagay, may nakalatag ng programa ang PNP na internal cleansing na ang pangunahing layunin ay linisin ang hanay nila ng mga tinatawag na tiwali tulad ng sangkot sa droga at kriminalidad o extortion. Kaya ang malungkot dito, hindi kasama sa listahan ng internal cleansing ang pulis na gambling lord. Dipugaaaaa!

Sa umpisa ng kampanya ni President Digong laban sa pulis na sangkot umano sa droga, may ilang matataas na opisyal ng PNP ang pinangalanan n’ya. Itong mga pulis na mga gambling lords kaya ay pangalanan din ni BBM? Araguuyyyyyy! Hak hak hak! Weder-weder lang talaga! Mismooooo!

Sinabi ng kosa kong Marites na sa isang pagpupulong nina BBM at ilang kaututang-dila, kabilang na si Rep. Anton Lagdameo na papalit sa puwesto ni Sen. Bong Go, nadismaya ang una sa ilang pulis na sangkot umano sa illegal gambling. May listahan palang hawak si BBM. Nakupoooooo! Hindi naman binanggit ng kosa kong Marites kung pinangalanan ni BBM ang mga pulis na gambling lord subalit iginiit n’ya na nangako ang huli na ilalampaso n’ya ang mga ito. Araguuyyyyy!

Tiyak hindi na makatulog ang mga pulis na sangkot sa illegal gambling kapag tinotoo ni BBM itong banta n’ya, di ba mga kosa? Mismooooo! Hak hak hak! Isang tulog na lang at uupo na sa trono si BBM kaya’t excited na ang mga Pinoy kung anu-anong programa ang ideklara n’ya, lalo na sa food security bilang pinuno ng Department of Agriculture at itong paglilinis sa PNP. Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan? Mismooooo!

Dapat na rin sigurong isama ni BBM sa paglinis ng PNP ang mga tinatawag na tong collector na mga pulis din. Hindi naman magandang tingnan na itong mga pulis na gambling lord lang ang habulin ni BBM kundi maging itong nag-oorbit sa mga pasugalan, putahan at iba pa para sa mga amo nila. Itong mga gambling lord na pulis at mga tong collector ang nakakadulot ng pagsama ng imahe ng PNP sa sambayanang Pinoy, di ba mga kosa?

Sa ganang akin naman, tama lang ang puna ni BBM na imbes na mag-focus sa trabaho itong gambling lords na pulis at tong kolektors, abaaaa ang personal interest ang inuuna nila. Ang ibig kong sabihin may suweldo na sila sa gobyerno, ginagamit pa nila ang tsapa nila para kumita. Ginagawa nilang kapital sa negosyo ang PNP! Dipugaaaaa! Hak hak hak! Double whammy ang dating sa bulsa nila. Mismooooo!

Ito kayang listahan ng pulis na gambling lords ang dahilan kung bakit na-delay ang pag-anunsiyo ni BBM ng kanyang unang PNP chief? Kasi ang sabi ng kosa kong Marites, na pagdating kay BBM, itong mga kandidato sa pagka-PNP chief ay may mga “black mark” na hindi naman niya ipinaliwanag. Ano ba ‘yan? Ang huling balita na kumalat, naghahanap ng “anghel” na opisyal na pulis ang kampo ni BBM para maging PNP chief. Aba, baka si Brig. Gen. Jason Ortizo, ang PNP chaplain, ang puwede d’yan. Mismooooo! Abangan!

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with