^

Punto Mo

Ginger (68)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“BAKIT bigla kang natigilan, Anton?’’ tanong ni Ginger at napahawak sa braso ni Anton. “Kilala mo ba ang makakasalubong natin?’’

“Oo. ‘Yan ang dati kong siyota!’’

“’Yung sabi mo ay nakipag-break sa’yo?’’

“Oo. ‘Yung mag-aaral sa Singapore.’’

“Anong pangalan niya?’’

“Apple.’’

‘‘Siyota kaya niya ang kasama?’’

“Siguro. Nakakapit nang husto sa lalaki. Parang aagawin sa kanya.’’

Napahagikgik si Ginger.

“Ako rin naman nakakapit nang mahigpit sa’yo ah.’’

“Oo nga pero guwapo naman ang kinakapitan mo.’’

Kinurot ni Ginger sa braso si Anton.

‘‘Malapit na sila, Ginger. Kailangang maipakita kita sa Apple na ‘yan. Gusto ko makita niya na mas maganda ka kaysa kanya.’’

Napahagikgik uli si Ginger.

“Para namang Miss Universe ang kasama mo.’’

“Talaga namang ikaw ang Miss Universe ng buhay ko.’’

Pero hindi sila nagkasalubong dahil nag-iba ng diresksiyon ang dating siyota ni Anton. Nagtungo sa comfort room.

“Sayang hindi kita naidispley sa babaing yun. Gusto ko sanang pamukhaan. Akala siguro siya lang ang maganda.’’

“Parang galit ka pa sa kanya, Anton.’’

‘‘Hindi naman. Naisip ko lang na tama lang nagkahiwalay kami. Kasi, sinungaling siya. Ang dahilan nang pinag-awayan namin ay mag-aaral daw siya sa Singapore—e bakit narito siya at may siyota na. Ibig sabihin, nakipag-break siya dahil mayroon siyang iba. Idinahilan lang ang pag-aaral sa ibang bansa. Di ba sinungaling yun?’’

Tumango si Ginger.

“Tama lang na hindi siya ang nakatuluyan ko. Masuwerte ako at ikaw ang nasumpungan ko Ginger.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

GINGER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with